Pagkamatay ng isang 'tumakas' na Abu Sayyaf

Pagkamatay ng isang 'tumakas' na Abu Sayyaf

MANILA Philippine National Police, bukas ang imbestigasyon sa Commission on Human Right (CHR) sa Pagkamatay ng isang 'tumakas' na Abu Sayyaf

MANILA Philippine National Police, bukas ang imbestigasyon sa Commission on Human Right (CHR) sa Pagkamatay ng isang 'tumakas' na Abu Sayyaf
Ayon sa Balitang Ahensya ng Ahlul-Bayt (ABNA24) Tiniyak ng pulisya na bukas sila sa imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) ukol sa pagkamatay ng miyembro ng Abu Sayyaf na nahuli sa Bohol at nagtangka umanong tumakas.
"We are open to the investigation of other bodies like CHR," ani PNP spokesperson Senior Supt. Dionardo Carlos.
Huwebes naaresto ng pulisya ang umano'y Abu Sayaf member na si Saad Samad Kiram, alias Abu Saad, matapos itong lumabas sa kuta sa Bohol para humingi ng pagkain.
Nakatakas si Kiram nitong Biyernes, pero nakorner din matapos ang 2 oras. Nabaril siya ng 3 beses habang nakikipag-agawan umano sa baril ng isang pulis, dahilan ng agaran niyang pagkamatay.
Sinabi ng CHR na may mga indikasyong malapitang binaril at napatay si Kiram, na nakitaan ng tama ng bala sa gitna ng kanang noo.
Nagkasa na ang Bohol police ng imbestigasyon ukol sa insidente, ani Carlos.
Dagdag niya, hiwalay ring tinitingnan ng PNP Internal Affairs Service kung mayroong pananagutan ang mga kasamang pulis ng suspek.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Quds cartoon 2018