Tinanggal ni Duterte ang 2 pang kawani ng Malacañang

  • News Code : 858924
  • Source : ABNA24
Brief

MANILA, Philippines — Dalawang kawani ng Malacañang ang nawalan ng trabaho matapos sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa katiwalian.


MANILA, Philippines — Dalawang kawani ng Malacañang ang nawalan ng trabaho matapos sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa katiwalian.

Ayon sa balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ang "Empleyado diyan tapos kung anu-anong pinagsasabi sa labas, na malakas. I hate that,” dagdag niya.
Sinabi ni Duterte na hindi ito ang unang pagkakataon na may sinibak siya. Aniya hindi na lamang niya ito inihahayag upang hindi mapahiya ang kanilang pamilya.

“I have fired so many. I just haven't announced in fairness to the family. Some of them have children who are doctors, lawyers. They might be shamed," patuloy ng pangulo.

Dati na ring nanibak si Duterte ng kawani ng gobyerno na nabahiran lamang ng katiwalian kabilang sina dating Interior Secretary Ismael Sueno at Undersecretary Maia Chiara Halmen Valdez.

Hindi rin nakaligtas sina Bureau of Immigration deputy commissioners Al Argosino at Michael Robles na nadawit sa multimillion-peso bribe scandal kasama ang isang Chinese casino operator.

Kusa namang nagbitiw naman sa pwesto ang noo’y Information and Communications Technology Secretary Rodolfo Salalima ngunit sinabi ni Duterte na pinagbitiw niya ito.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Mga balitang pag-luluksa kay Imam Hussein (a) sa mundo