Kasuduan ng Prais ipinupursige

Kasuduan ng Prais ipinupursige

Nagtipon ang mga lider ng mundo sa New York nitong Miyerkules para sikaping muling pasiglahin ang Paris global climate accord, sa gitna ng pag-urong ng ilang nasyon sa mga pangako sa makasaysayang kasunduan.


Nagtipon ang mga lider ng mundo sa New York nitong Miyerkules para sikaping muling pasiglahin ang Paris global climate accord, sa gitna ng pag-urong ng ilang nasyon sa mga pangako sa makasaysayang kasunduan.

Ayon sa Balitang Ahensya ng Ahlul-bayt (ABNA24)- Inilunsad ni Pranses na Presidente Emmanuel Macron ang “One Planet Summit” noong nakaraang taon, sa layuning mapabilis ang implementasyon ng 2015 pact.

“Hindi kami naririto para magsalita, ngunit upang maging managot,” sinabi ni Macron sa mga pinuno sa Plaza luxury hotel sa New York.

Matapos magbabala noong nakaraang taon na “kami ay natalo ng labanan” laban sa climate change, nanawagan si Macron sa mga bansa na dagdagan ang pagpopondo para sa climate action.

Nakasaad sa Paris agreement na magtatayo ang mayayamang bansa ng $100-bilyon fund para tulungan ang mga umuulad na bansa na matugunan ang pag-init ng planeta. Ngunit $10B pa lamang ang nakokolekta.

Mas kakaunti ang mga lider na dumalo sa One Planet Summit ngayong taon, inorganisa ng World Bank at ng UN.

Halos 30 mga Presidente, Punong ministro at mga ministro ang nakatakdang dumalo, kabilang ang Espanya, Denmark, Norwega, Tsina, gayundin ang maliliit na isla sa mga nasyon sa Pasipiko na ang mga baybayin ay unti-unting kinakain ng dagat.

.......
/328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Arba'een
Mga balitang pag-luluksa kay Imam Hussein (a) sa mundo
haj 2018