Aatake ang ISIS sa 3 lugar sa Mindanao…. Pagkatapos ng Marawi

  • News Code : 846005
  • Source : ABNA24
Brief

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga senador at kongresista na nagbabanta na aatake ang te¬roristang Islamic State of Syrian and Iraq (ISIS) sa tatlong lugar sa Mindanao na kung hindi mapi¬pigilan ay matutulad sa Marawi City.

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga senador at kongresista na nagbabanta na aatake ang te¬roristang Islamic State of Syrian and Iraq (ISIS) sa tatlong lugar sa Mindanao na kung hindi mapi¬pigilan ay matutulad sa Marawi City.

Ito ang sinabi ni Senator Panfilo Lacson matapos siyang ipatawag ng Pangulo sa Malacañang kamakalawa ng gabi kasama sina Senators Tito Sotto at Franklin Drilon.

Naiulat sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ayon kay Lacson, nakatanggap umano ng mga intelligence information ang Department of National Defense (DND) kaugnay sa panibagong banta ng mga terorista sa Mindanao.

Kaya’t hiniling na ni Defense Secretary Gen. Delfin Lorenzana sa Pangulo ang karagdagang 20,000 sundalo at 10,000 personnel naman sa Philippine National Police na ipakakalat sa Mindanao bilang pantapat sa ISIS terrorists.

Dahil sa ang Pangulo na mismo ang nagsiwalat sa banta ng ISIS, naniniwala umano sila dito at sinusuportahan ng Senado ang kahili¬ngan nito na karagdagang funding para sa seguridad ng bansa.

Binigyang-diin ni Lacson na kung tatlong area sa Mindanao ang banta, hindi na nila aantayin pang magkaroon ng “spillover” sa Metro Manila.
“Hihintay pa ba natin mag-spillover sa NCR, sa Luzon or sa Visayas?

Sa palagay ko, mabuti na rin ang reaction na ginawa ni president sa Marawi. Talagang ,tiyak na tinutulan niya ang krisis na may napaka tiyak sa pamamagitan ng deklarasyon ng martial law kahit na walang karagdagang na ngipin ang martial law ngayon sa ilalim ng 1987 Constitution, ngunit hindi bababa sa mayroong isang malaking sikolohikal na tulong,” dagdag ni Lacson.

“Ipinaalam sa amin (Duterte) na ang nabago na pagbabanta dahil ang kalihim ng pambansang depensa ay humiling ng karagdagang lakas-tao at samakatuwid, ay nangangailangan ng paglalaan ng badyet,,” ani Drilon.
Bagaman sinabi na tatlong lalawigan sa Mindanao ang umano’y kabilang sa tinatarget ng ISIS, hindi tinukoy ng Pangulo kung anong mga lugar ito.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Mga balitang pag-luluksa kay Imam Hussein (a) sa mundo