Bumisita si Duterte sa Israel

Bumisita si Duterte sa Israel

Umalis si Pangulong Rodrigo Duterte nitong linggo ng Hapon papuntang Israel kung saan inaasahan ang kanyang pagbili ng mga bagong armas at nakatakda ang kanyang pakikipagkita sa mga overseas Filipino worker (OFW).


Umalis si Pangulong Rodrigo Duterte nitong linggo ng Hapon papuntang Israel kung saan inaasahan ang kanyang pagbili ng mga bagong armas at nakatakda ang kanyang pakikipagkita sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Ayon sa Balitang Ahensya ng Ahlul-bayt (ABNA-24)- " Hihingin ko na maging ang kanilang katambal sa progreso, pag-unlad at pagbabago. ani ni Duterte sa kaniyang talumpati bago magtungo sa Israel.
Si Duterte ang kauna-unang Presidente ng Pilipinas na bibisita sa nasabing bansa.

Bahagi ng delegasyon ni Duterte ang ilang negosyante at miyembro ng gabinete tulad nina Executive Secretary Salvador Medialdea, Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano, at Depense Secretary Delfin Lorenzana.

Inaasahang magbibigay daan ang pagbisita ni Duterte sa ilang kasunduan sa pamumuhunan, kapakanan ng mga OFW, at pagbili ng mga armas.

Lalapag ang eroplanong lulan ang Pangulo Ben Gurion International Airport sa Tel Aviv at agad siyang magtutungo sa Ramada Hotel sa Herusalem upang makipagkita sa mga Pilipino.

Mayroong 28,000 Pilipino na nakatira at nagtratrabaho sa Israel.

Ayon kay Ambassador Nathaniel Imperial ang pagbisita ni Duterte sa Israel ay katuparan ng mga pangako niya sa mga Pilipino sa nasabing bansa.

Hindi natuloy ang nakatakdang pagbisita ni Duterte sa Israel noong nakaraang taon dahil sa Marawi siege.

.......
/328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*