Digmaang laban sa Droga sa Maynila 6 ang patay

Digmaang laban sa Droga sa Maynila 6 ang patay

Pagkatapos na mapatay ng Manila Police District ang nasa 25 suspek sa kanilang anti-crime operations ay anim pa ang nadagdag sa listahan nila kahapon ng madaling araw.


Pagkatapos na mapatay ng Manila Police District ang nasa 25 suspek sa kanilang anti-crime operations ay anim pa ang nadagdag sa listahan nila kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng ahlul-bayt (ABNA24) -Sa ulat na nakalap sa MPD-Crimes Against Persons Investigation Section, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang mapaslang ang mga suspek na sina Meljohn Galman, alyas “Toks”, at Jessie Boy Yumang, sa loob ng kanilang bahay sa Tejeron St., Sta. Ana.

Dakong alas-2:45 ng madaling araw nang mapatay naman sina Edmel Santiago at Joey Santos, sa ikinasang buy-bust sa tapat ng kanilang bahay sa may San Roque Street, Sta. Ana.

Pawang nanlaban umano ang mga napaslang sa mga pulis sa gitna ng buy bust nang mahalata na mga pulis ang kanilang katransaksyon.

Nasamsam mula kina Galman at Yumang ang dalawang kalibre.38 revolver, 17 plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at P200 buy-bust money habang narekober mula kina Santiago at Santos ang dalawang kalibre .38 revolver, 13 plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at P200 marked money.

Sa Tondo ay napatay din sa buy bust dakong alas-8:40 kamakalawa ng gabi sina Norman Anyaya, 25-30; at si Vicente Bartolome, 50-55 anyos, at kapwa naninirahan sa Oroqueta St., Sta. Cruz, Maynila nang manlaban umano ang mga ito at nakumpiska umano ang isang kalibre .45, isang kalibre .38 baril, mga bala, at anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Arba'een
Mga balitang pag-luluksa kay Imam Hussein (a) sa mundo
haj 2018