Estados Unidos Spy plane idineploy sa Mindanao

  • News Code : 853903
  • Source : ABNA24
Brief


Dinagdagan pa ng Estados Unidos ang surveillance support sa Pilipinas makaraang magpadala ng isang “unmanned aircraft” sa Mindanao bilang suporta laban sa tero¬rismo.


Dinagdagan pa ng Estados Unidos ang surveillance support sa Pilipinas makaraang magpadala ng isang “unmanned aircraft” sa Mindanao bilang suporta laban sa tero¬rismo.

Naiulat sa balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ayon sa kalatas ng United States Embassy kahapon, inihayag na idineploy na nila ang kanilang makabagong Gray Eagle Unmanned Aircraft System (UAS) sa Mindanao kabilang na ang Marawi City kung saan may nagaganap na bakbakan laban sa Maute-ISIS inspired group upang magsagawa ng karagdagang surveillance bilang suporta sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP).

Kumpara sa kasalukuyang surveillance platforms sa nasabing rehiyon, ang Gray Eagle umano ay mas mahaba ang “flight duration” at malawak ang lugar na makukunan ng reconnaisance at surveillance nito.

Sinabi ng Amerika na sa loob ng tatlong nagdaang taon, nakapagbigay ng ayuda ang US ng umaabot sa hala¬gang P15 bilyon para sa pagtatatag at paglalagay ng mga command, control. communications, compu¬ter, intelliegence, surveillance at reconnaisance capabilities para sa AFP.

Nabatid na pinakahu¬ling idineliber ng Amerika sa Pilipinas ay ang Raven Tactical UAS at isang Cessna-208B surveillance aircraft kasama na ang iba’t ibang “ammunitions” at “weapons” upang suportahan ang mabilisang pangangaila¬ngan ng bansa sa depensa at counter terrorism.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*