Nabawi ng military ang 3 moske pinagkukutaan ng mga Maute sa Marawi

Nabawi ng military ang 3 moske pinagkukutaan ng mga Maute sa Marawi

Nag-alay ng dasal ang kapulisan at tropa ng sundalo sa Masjid Saad Huzman Almusairi sa siyudad ng Marawi kamakalawa makaraang mabawi ng militar ang tatlong moske na pinagkutaan ng grupo ng mga teroristang Maute-ISIS.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Nabawi na ng militar ang tatlong Moske na pinagkutaan ng grupong Maute-ISIS sa siyudad ng Marawi, kamakalawa.

Ito ang inihayag ni Joint Task Force Ranao Deputy Commander, Col. Romeo Brawner na kung saan bago nabawi ay nakasagupa ang mga child warriors ng Maute.

Sa pagbawi ng tatlong moske ay paliit na nang paliit ang ginagalawan ng kalaban.

Inamin ng Armed Forces of the Philippines na nalusutan sila ng teroristang Maute nang mabawi na nila ang Grand Mosque sa sentro ng siyudad ng Marawi na sinasabing stronghold na pinaniniwalaan din na dito itinatago ang mga bihag na sibilyan.

Ayon kay AFP B/Gen. Restituto Padilla, isang buwan ang kanilang ginawang operasyon bago nila napasok ang Grand Mosque at posible aniyang bago pa ito nagawa ng militar ay nakalipat na ng ibang lugar ang mga terorista.

Sa kasalukuyan ay humigit-kumulang 50 na lamang ang mga Maute at nasa 30 naman ang hawak na bihag ng mga ito.
Matatandaan na binati ni Pangulong Duterte ang militar sa matagumpay na pagbawi sa Grand Mosque nang bumisita ito sa lungsod kamakalawa.

Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*