Nakapuga ang 3 bihag mula sa grupong Abu-Sayyaf

  • News Code : 847857
  • Source : ABNA24
Brief


Hawak na ng militar ang tatlo sa apat na construction workers na binihag ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos na makatakas sa kanilang mga captors, kahapon sa Sulu.


Hawak na ng militar ang tatlo sa apat na construction workers na binihag ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos na makatakas sa kanilang mga captors, kahapon sa Sulu.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Kinilala ni Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, ang tatlong nakapuga na sina Felimon Guerero Jr., Jayson Vailoces, at Joel Adanza pawang mga residente ng Brgy. Tumaga Zamboanga City.

Ang tatlo ay nakita umanong pagala-gala sa Brgy. Kagay, Talipao Sulu at dahil hindi kilala ng mga residente ay kaagad nilang ipinagbigay alam sa pulisya at militar ang presensya ng mga biktima.

Ang mga biktima ay dinukot umano ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa kanilang construction barracks na matatagpuan sa Provincial Sports Complex, Brgy. Bangkal, Patikul, Sulu noong Hulyo 15, 2017.

Ibinunyag ng mga biktima na dahil sa patuloy na operasyon ng militar kaya nagpapalipat-lipat sila sa ibang lugar kasama ang mga ASG na dumukot sa kanila sa pangunguna ni Almujer Yadah kaya napalayo sila sa kuta ng ASG kung saan wala silang nakukuhang suporta mula sa mga komunidad tulad ng pagkain at iba pa.

Kahapon bandang alas 4 ng hapon habang nagdadasal umano ang kanilang abductors ay nakakuha sila ng pagkakataong makatakas kaya nakarating sila sa Brgy. Kagay.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Mga balitang pag-luluksa kay Imam Hussein (a) sa mundo