Pagbiyahe ni Pangulong Duterte sa Jordan

Pagbiyahe ni Pangulong Duterte sa Jordan

Si Pangulong Duterte ay minadali niya ang pagbisita sa Jordan para makauwi kagad ng Pinas .



Si Pangulong Duterte ay minadali niya ang pagbisita sa Jordan para makauwi kagad ng Pinas .

Naiulat ng Balitang Ahensya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ayon kay Special Assistant Bong Go ay dadating si Pangulong Duterte mula Jordan sa Sabado imbes na sa Linggo ng umaga - Naging makasaysayan din ang pagbisita at pagkikita ni Pangulong Duterte at King Abdullah II ng Jordan - Ibibigay na rin ng Jordan ang ipinangakong helikopter sa Pilipinas sa 2019.

Inanunsyo ni Special Assistant Bong Go na dadating si Pangulong Duterte sa Davao ngayong Sabado ng umaga imbes na sa Linggo na base sa schedule niya. Ngunit hindi naman nagkansel ng kahit anong pulong o pangyayari ang Pangulo.

Nalaman din namin may mga balita ring nagsabi na ang biglaang pag-uwi ng Pangulo ay posibleng dahil sa kontrobersiyang kasangkot si Senador Trillanes.

Kahit na maraming isyu ang nangyari kamakailan, naging makasaysayan pa rin ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Jordan. Nagkita na rin sila ni King Abdullah II sa Royal Palace. Nilagdaan na rin ang limang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Jordan.

Ang mga ito ay tungkol sa mga overseas Filipino workers (OFW), pangangalakal, defense, foreign affairs at sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa. Ikinumpirma na ang pagbibigay ng Jordan sa Pinas ng dalawang secondhand na mga attack helikopter sa susunod na taon.

Sinabi rin ng Pangulo na handa siyang magpadala ng mga batalyon sa Jordan para labanan ang mga Islamic State (ISIS) Ayon sa Presidente, “Kung mayroong anumang bagay na magagawa namin, kung may kakulangan ka ng iyong hukbo ipaalam mo sa akin. 110 milyon ang kailangan mo ng isang batalyon? ' 'Dalawa, 3, 4, 5 (batalyon) ipapadala ko sila sa inyo. Gagawin ko ang aking pamahalaan sa tamang bahagi ng kasaysayan, ',” sabi rin ng Pangulo.

Sa dating report na ay naging makasaysayan rin ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Israel. Ilang kasunduang negosyo din ang nilagdaan na magiging malaking tulong sa mga Pilipino. Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang biyahe ay lumabas naman ang issue tungkol sa pagpapa-aresto niya kay Sen. Trillanes.

.........
/328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

haj 2018