Patay ang isang Moro bomb maker sa operasyon sa Cotabato

Patay ang isang Moro bomb maker sa operasyon sa Cotabato

Napatay ng mga otoridad ang isang bomb maker ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na si Ibrahim Ali alyas Kumander Ibs na mula sa Karialan faction nang manlaban sa law enforcement operation naganap noong Martes ng gabi sa Brgy.Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) – Sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi ay nagsagawa ng nasabing operasyon ang pinagsanib na pwersa ng 19th IB, 603rd Brigade Philippine Army, DOS PNP at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-ARMM) malapit sa isang gasoline station sa Brgy. Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kung saan namataan si Kumander Ibs.

Nang sitahin ng mga otoridad ang suspek ay nagtangka umano itong bumunot ng baril na ka¬libre 45 kaya’t inunahan na siya ng mga una.

Sinasabing matagal nang pinaghahanap ng mi¬litar at pulisya si Kumander Ibs batay sa kautusan ng Department of National Defense (DND) alinsunod sa idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Quds cartoon 2018