Patay sa engkuwentro ang 5 Abu-Sayyaf at 2 sundalo

  • News Code : 847664
  • Source : ABNA24
Brief

Patay ang limang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang dalawa rin naman sa panig ng militar matapos ang isinagawang rescue operation ng tropa ng pamahalaan sa mga kidnap victims ng bandidong grupo, kahapon ng umaga sa Sulu.


Patay ang limang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang dalawa rin naman sa panig ng militar matapos ang isinagawang rescue operation ng tropa ng pamahalaan sa mga kidnap victims ng bandidong grupo, kahapon ng umaga sa Sulu.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Napag-alaman kay Brig. Gen Cilitito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, bandang alas-4 ng madaling araw nang magkaroon ng engkwentro na tumagal ng halos 30 minuto ang tropa ng militar sa may 30 armadong elemento sa Sitio Langhub, Brgy. Pang, Kalingalan Caluang, Sulu.

Naganap ang engkuwentro matapos ang isinagawang security at rescue operations laban sa mga abductors at kidnap victims sa nasabing lalawigan nang makaengkwentro ang mga suspek kung saan nagresulta sa pagkamatay ng limang mi¬yembro ng ASG, dalawang sundalo habang isa pa ang sugatan.

Narekober mula sa mga suspek ang matataas na kalibre ng armas tulad ng M16, M14, garand riffle ,1KG-9 sub machine gun, 1 baret rifle at 1 shotgun.

Base sa militar, mayroong 23 kidnap victims ang bandidong grupo, apat dito ang construction workers, iba dito ay Pinoy at 15 ang foreign nationals.

Hindi naman masiguro kung sino ang mga hawak ng kidnap victims ng mga nakaengkwentro ng miltar dahil ikinalat na sila sa mga sub-leaders ng bandidong grupo.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*