Patay sa sagupaan ang 3 NPA

Patay sa sagupaan ang 3 NPA

Napaslang ang tatlong pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang elite forces ng pulisya sa naganap na engkuwentro sa hangganan ng Brgy. Malico at Brgy. Sta Maria sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Sa ulat ng Pangasinan Police, bandang alas -5:20 ng hapon nagsasagawa ng combat operations ang operating troops ng Pangasinan Provincial Security Company (PPSC), Provincial Intelligence Branch (PIB) at iba pang units ng pulisya ng makaengkuwentro ang mga rebelde sa lugar.

Nagresponde naman ang elite troops ng pulisya sa lugar ng makatanggap ng report sa presensya ng mga armadong rebelde na nauwi sa bakbakan na ikinasawi ng mga kalaban. Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang pagkaka¬kilanlan sa mga napatay na rebelde matapos na wala ni isang identification card na nakuha mula sa bangkay ng mga ito.

Narekober naman sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang landmine na may sukat na 8 diyametro, mga kable, ignition switch, isang cal 9 MM Luger Submachine gun, dalawang magazine para sa cal. 9 MM submachine gun, dalawang rifle grenades, sari-saring mga bala, iba pang mga uri ng armas at bala at mga personal na kagamitan ng mga rebelde gayundin ang sketch ng bayan ng San Nicolas na balak umanong atakehin ng mga kalaban.

Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Quds cartoon 2018