Sobra na ng 500 ang bilang ng mga patay sa kaguluhan sa Marawi

  • News Code : 841646
  • Source : ABNA24
Brief

Sa halos dalawang buwang bakbakan, higit 500 katao na ang nasawi mula sa magkabilang panig, ayon sa gobyerno ngayong Lunes.


Sa halos dalawang buwang bakbakan, higit 500 katao na ang nasawi mula sa magkabilang panig, ayon sa gobyerno ngayong Lunes.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABAN24) - Sinabi ni tagapagsalitang si Marie Banaag, nasa 507 na ang namatay, kung saan 379 dito ay mula sa Maute terror group.

Umabot naman sa 89 ang nalagas mula sa hanay ng gobyerno, habang 39 ang mga nadamay na sibilyan.

“And we have the number of civilians rescued by government troops, LGUs and CSOs is at 1,723, an additional of one civilian,” pahayag ni Banaag.

Dahil sa kaguluhan ay isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mindanao sa martial law.

Samantala, pinabulaanan naman ng Armed Forces of the Philippines ang mga paratang na mayroong ginagawa silang underreporting ng mga nasawing sibilyan.

Sinabi ni Brig. Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP, na nag-iingat sila sa pagbibilang lalo na’t iniiwasan nilang maihalo sa mga namatay ang miyembro ng armadong grupo.

“Kaya madaming puwedeng mag-akusa. Ngayon, isa rin sa sinasabi natin hindi kami nagdadagdag ng casualties hangga’t hindi namin sigurado” wika ni Padilla.

“Kaya nga ‘yung 39, maingat kami na nagdadagdag hangga’t hindi namin alam kung sino talaga ito at kasi maaaring maging sinumang nakuha mong cadaver eh mga dating terorista na nakipag-laban.

So hangga’t hindi kami nagkakaroon ng mainam ng pruweba, tsaka lang kami nagdadagdag.”


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*