Tatlong Abu Sayyaf, isang sundalo patay sa enkwentro sa Sulu

  • News Code : 841263
  • Source : ABNA24
Brief

Tatlong Abu Sayyaf, isang sundalo patay sa enkwentro sa Sulu


Tatlong Abu Sayyaf, isang sundalo patay sa enkwentro sa Sulu 


Tulad ng binlita ng Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) – Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, Commander ng Joint Task Force (JTF) Sulu, nakasagupa ng tropa ng mga sundalo ang tinatayang nasa 100 hanggang 120 bandido sa combat operation sa hangganan ng Brgy. Danag at Buhangin ng bayang ito bandang alas-8:45 ng umaga.

“This is part of our continuing operations to rescue kidnap victims and neutralize the Abu Sayyaf,” pahayag ni Sobejana dahilan mahigit pa sa 20 hostages ang hawak ng mga bandido sa Sulu.

Ang mga bandido, ayon sa opisyal ay pinamumunuan ni Hatib Hajan Sawadjaan at Almujer Yada; pawang Sub Commanders ng Abu Sayyaf na pinamumunuan ni Commander Radulan Sahiron.

Nasa 15 sundalo naman ang nasugatan na tinamaan ng pinaputok na M203 grenade launchers ng mga bandido. Ang mga ito ay isinugod na sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Sa kasalukuyan, ayon sa heneral ay nagpapatuloy ang opensiba upang durugin ang nalalabi pang mga bandido na namumugad sa lalawigan at mailigtas ang mga hostages.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*