Tulong ng Moscow sa Pilipinas

Tulong ng Moscow sa Pilipinas


20 army trucks, 5,000 rifles at mga bala, dumating na sa Pilipinas


20 army trucks, 5,000 rifles at mga bala, dumating na sa Pilipinas

Naiulat sa Ahlul-bayt News Agency (ABNA24) - Dumaong ang tatlong Russian warships kanina sa bansa kabilang ang dalawang anti-submarine vessels para magbaba ng mga baril at sasakyang pandigma.

A guard passes by the Russian naval vessel Admiral Vinogradov during a port visit in Manila, Philippines October 20, 2017.


Donasyon umano ito ng Russia sa Pilipinas bilang bahagi ng bagong defense relationship ng dalawang bansa.

Nasa 5,000 assault rifles, isang milyong mga bala at 20 army trucks ang laman ng mga kargamento.

“Gagawin namin ang lahat ng ating makakaya upang gawin at tawagin ang pantalan na ito ng isang makabuluhang kontribusyon na isinasaad ang magiliw na ugnayan at relasyon sa pagitan ng dalawang bansa para sa kapakanan ng seguridad at katatagan sa rehiyong ito,” sabi ni Eduard Mikhailov, ang deputy commander ng Russia Pacific Fleet Flotilla.

russia-2

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ng 5,000 Kalashnikov rifles ang Russia bilang tulong sa pagsugpo ng terorismo sa bansa.

Ito na ang ikatlong pagbisita ng mga Russian warships sa bansa kasunod ng mga hakbang ng pangulo sa pakikipagkaibigan sa kanila.

Sa susunod na linggo ay darating sa bansa ang defense minister ng Russia na si Sergei Shoigu at ng U.S. na si Jim Mattis para sa isang regional defense meeting.

Inaasahan ding lalagda ang Pilipinas at Russia sa isang security deal tungkol sa military logistics sa susunod na linggo.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Arba'een
Mga balitang pag-luluksa kay Imam Hussein (a) sa mundo
haj 2018