MANILA, Philippines Mag-asawang ISIS terrorists, timbog sa Taguig

MANILA, Philippines Mag-asawang ISIS terrorists, timbog sa Taguig

Ang nadakip na mag-asawang terorista makaraang iprisinta kahapon sa DOJ.
Naaresto ng pinagsa-nib na elemento ng tauhan Bureau of Immigration (BI), mili¬tary at pulisya ang mag-asawang pinaniniwalaang miyembro ng teroristang Isla¬mic State of Iraq and Syria (ISIS) sa isinagawang ope¬rasyon sa Bonifacio Global City, Taguig, ayon sa mga opis¬yal kahapon.



Ayon sa Balitang Ahensy ng Ahlul-Bayt (ABNA24) Ang nadakip na mag-asawang terorista makaraang iprisinta kahapon sa DOJ.
Naaresto ng pinagsa-nib na elemento ng tauhan Bureau of Immigration (BI), militarya at pulisya ang mag-asawang pinaniniwalaang miyembro ng teroristang Isla¬mic State of Iraq and Syria (ISIS) sa isinagawang ope¬rasyon sa Bonifacio Global City, Taguig, ayon sa mga opis¬yal kahapon.
Pansamantalang naka-piit sa National Bureau of In¬vestigation (NBI) facility ang mga dayuhang ISIS na kinilalang sina Hussein AZO Aldhafiri, 40, alyas Abu Muslim; at Rahaf Zina Dhafiri, 27 anyos, buntis ng 3 buwan at close associate ng ISIS, kapwa nanunuluyan sa isang luxury apartment sa 20th St., Bonifacio Global City.
Sa pulong-balitaan, kung saan iniharap ang dalawa sa media, nilinaw ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, ang pagkaka-aresto sa dalawa ay bunga ng mga impormasyong ibinigay sa NBI ng kanilang counterpart sa US government o ang Federal Bureau of Investigation at Kuwait government.
Nitong Marso 24, 2017 nang matunton ang dalawa sa kanilang inuupahan bagamat walang nakuhang anumang ebidensiya o paraphernalias na mag-uugnay sa kanilang grupong ISIS dahil sa labas na sila ng bahay dinakip.
Nabatid na ang dalawa ay naging mag-asawa matapos mabiyuda si Rahaf, na dating asawa ng napatay sa laban sa deputy commander o no. 2 man ng ISIS sa Syria.
Ayon kay BI Commissio¬ner Jaime “Bong” Morente, maraming pagbiyahe sa bansa si Hussein na ang pinakahuli at nanatili na sa bansa simula noong Enero 28, 2017 na kapwa nagmula sa Qatar.
Gamit umano ng dalawa sa kanilang tourist visa ang mga pangalang nabanggit o hindi nagtago sa ibang pa¬ngalan.
Nagbiyahe na rin umano sa Davao sa loob ng 4 na araw at sa Cebu sa loob ng 3 araw bago bumalik sa Metro Manila.
Iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad ang nakuhang work visa sa Pilipinas ni Hussein at maging ang kumpanyang nagbigay ng request para siya mais¬yuhan nito.
Aminado si Aguirre na walang kasong maisasam-pa laban sa dalawa sa ngayon, kundi ang paglabag lamang sa Immigration law nang walang maipakitang pertinent documents sa pamamalagi sa bansa.
Sumasailalim na rin ang dalawa sa deportation proceedings sa BI, na posibleng ipadeport sa Kuwait si Hussein batay sa note verbale na ipinadala ng Kuwait government habang si Rahaf ay sa Syria.
Nasangkot na umano si Hussein sa mga pambobomba at kilala umano itong gumagawa ng mga bomba, batay sa impormasyon mula sa labas ng bansa.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Arba'een
Mga balitang pag-luluksa kay Imam Hussein (a) sa mundo
haj 2018