‘Batang Mandirigma’ ng Maute ay kailangan mamugot ng ulo

  • News Code : 841461
  • Source : ABNA24
Brief

Bago maka-graduate kailangan umanong makapugot ng ulo ang isang ‘batang mandirigma’ na sinasanay ng mga Maute Terror Group bago sila maka-graduate.



Bago maka-graduate kailangan umanong makapugot ng ulo ang isang ‘batang mandirigma’ na sinasanay ng mga Maute Terror Group bago sila maka-graduate.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ito ang kwento ng isa sa mga batang mandirigma bilang pagsubok para maka-graduate sila, kailangan nilang mamugot ng sinumang iutos sa kanila at kung hindi susunod, sila umano ang malalagot.

Batay sa kwento ni ‘Faisal’, di niya tunay na pangalan ay napasama siya sa Maute group na naghasik ng karahasan sa Marawi noon pang 10 anyos pa lamang siya.

Sinabi niya rin na bago pa sumiklab ang gulo, matagal na silang nakapagplanta ng mga supply ng bala sa iba’t ibang bahay sa lungsod.

Nahuli ang 17 an­yos na alyas ‘Faisal’ sa isang kalapit na bayan ng Marawi. Isa umano siya sa mga tauhan ni Abdullah Maute na kabilang sa mga namuno sa pag-atake sa Marawi.

“Sabi nila, ‘sino magsama mag-Jihad kasi lahat ng mga babae sa atin pinatay, lahat ng mga babae nating Muslim pinatay ng mga sundalo’, kaya sumama ako sa kanila” ani Faisal sa ulat ng TV Network.

Kuwento pa ng binatilyo, naging bahagi siya ng grupong nangangasiwa sa ammunition o mga armas at balang ginagamit ng mga terorista sa bakbakan.

Kasama niya ang pinsan ni Abdullah na si Usman Maute, isa ring wanted dahil sa tero­rismo.

Ani Faisal, bago pa man sumiklab ang gulo noong Mayo 23, nagplanta na sila ng mga bala sa ilang bahay sa lungsod.

Pero di nabanggit ng binatilyo kung ito’y may aktuwal na pahintulot ng mga may-ari ng bahay o patago nilang itinatanim ang mga balang gagamitin pala ng Maute kalaunan.

Dagdag pa ng binatilyo, wala pang 10 miyembro ng Maute ang nasa Marawi nang magsimula ang gulo noong Mayo 23.

Pero dumami ang mga nakikipaglaban nang sumama na ang ilang residente ng lungsod. Sumama rin ang mga presong pinakawalan ng Maute.

“P15,000 kada buwan (suweldo). Kapag mag-graduate ka, sabi ng trainor namin madadagdagan ng P5,000, magiging P20,000.” Wika ni Faisal.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*