2 terorista naaresto

2 terorista naaresto

Dalawang lokal na terorista ang naaresto sa isinagawang law enforcement operations sa Brgy. Dimapatoy, Datu Odin Sinsuta, Maguindanao kamakalawa ng hapon.




Dalawang lokal na terorista ang naaresto sa isinagawang law enforcement operations sa Brgy. Dimapatoy, Datu Odin Sinsuta, Maguindanao kamakalawa ng hapon.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) -Ang dalawang nasakoteng suspek ay kinilalang sina Batucan Raguiab at Akmad Acob na pawang mga lokal na terorista na nakipag-alyansa sa mga dayuhang teroristang ISIS.

Sa nasabing pagsalakay ay nasamsam ng mga otoridad ang ilang mga bandila ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria), mga bomba, armas at bala.

Sinabi ni Captain John Arvin Encinas,Spokesperson ng Army’s 6th Infantry Divison (ID), bandang alas- 4:00 ng hapon nang salakayin ng pinagsanib na elemento ng pulisya at ng tropa ng mga sundalo ang safehouse ng mga suspek sa nasabing lugar.

Una nang kinumpirma ng mga opisyal ng militar na tinatayang nasa 40 teroristang dayuhan na miyembro ng ISIS ang namonitor sa Pilipinas.
Gayunman nakatakas sa operasyon ang isa pa sa mga target na si Eskak Mohammad.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Arba'een
Mga balitang pag-luluksa kay Imam Hussein (a) sa mundo
haj 2018