Bagong gamit na pandigma ibibigay….Japan tutulong vs Maute-ISIS…

  • News Code : 847117
  • Source : ABNA24
Brief

Nakatakdang magbigay ang Japanese government ng mga kagamitan pandigma na pantapat sa mga teroristang Maute-ISIS na patuloy pa ring nakikipagbakbakan sa mga tropa ng pamahalaan sa Marawi City.



Nakatakdang magbigay ang Japanese government ng mga kagamitan pandigma na pantapat sa mga teroristang Maute-ISIS na patuloy pa ring nakikipagbakbakan sa mga tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Sa press confe¬rence ni Japan Deputy Press Secretary Toshihide Ando, sinabi nito na magbibigay ang Japan ng mga kaga¬mitan tulad ng high-speed vessels at security related equipments na una nang napagkasunduan sa pagitan nina Japanese Foreign Minister Taro Kono at Phl Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na naglalayong suportahan ang pagsisikap ng Duterte administration na mapuksa ang ekstremismo sa Min¬danao.

Ang alok ng Japanese government ay ipinara¬ting ni Kono kay Ca¬yetano kalakip ng isang sulat ng kanilang gobyerno matapos ang kanilang bilate¬ral meeting nitong Linggo.

Ang nasabing assistance ng Japan ay ang karagdagan sa P100 milyong aid na unang inalok ng Japan para sa mga mamamayan na nagsilikas at nawalan ng tahanan sa Marawi dahil sa sagupaan at airstrike sa Marawi.

Ang naturang alok na tulong ay kalakip sa isang liham na ipinadala kay Pangulong Rodrigo Duterte mula kay Ja¬panese Prime Minister Shinzo Abe.

Ang liham ay ibi¬nigay ni Ambassador Kasuhide Ishikawa at Ministry of Foreign Affairs Director General Shigeki Takisaki kay Sec. Cayetano nitong Biyernes.

“Nais kong ipahayag ang aming pinakamalalim na pasasalamat para sa henerasyon ng Japan pati na rin ang pangako nito sa paglaban sa terorismo,” pahayag naman ni Cayetano matapos ang kanilang pulong ni Japanese Foreign Minister Kono.
Tiniyak naman ni Cayetano sa Japan go¬vernment na gagawin lahat ng Pilipinas upang agarang maresolba ang krisis sa Marawi City.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Mga balitang pag-luluksa kay Imam Hussein (a) sa mundo