Benepisyong dagdag suweldo ng mga sundalo isinulong

  • News Code : 846630
  • Source : ABNA24
Brief

Nagkaisa ang mga mambabatas sa pagsusulong ng dagdag suweldo at benepisyo ng mga sundalo partikular na sa mga sumasabak sa combat zones sa balwarte ng mga armadong grupo na banta sa pambansang seguridad.


Nagkaisa ang mga mambabatas sa pagsusulong ng dagdag suweldo at benepisyo ng mga sundalo partikular na sa mga sumasabak sa combat zones sa balwarte ng mga armadong grupo na banta sa pambansang seguridad.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bat (ABNA24) - Ito’y sa gitna na rin ng pagbubuwis ng buhay ng aabot na sa 119 sundalo sa 75 araw na krisis sa Marawi City kung saan patuloy ang ope¬rasyon upang malipol ang nalalabi pang mga lider at miyembro ng Maute -ISIS (Islamic State of Iraq and Syria).

Ayon kay 5th District Pangasinan Rep. Amado Espino, Chairman ng House Committe on National Defense and Security, inaprubahan na nila ang paglikha ng Technical Working Group (TWG) upang pagsanibin ang apat na panukalang batas para mabigyan ng dagdag suweldo at benepisyo ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kabilang dito ay ang House Bills (HB) 429, 5532 at 5592 na iniakda nina dating Pangulo at ngayo’y 2nd District Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, Aangat Tayo Partylist Harlin Neil Abayon; Michael Romero at Enrico ng Partylist 1 PACMAN gayundin ni Espino.

“Ang pagsasaayos sa suweldo at benepisyo ng mga kasapi ng AFP ay isang paraan ng pagbibigay pagkilala sa mga sundalo na namimighati sa kanilang buhay upang mapanatili ang panloob na seguridad at katatagan ng bansa at ipagtanggol ang integridad ng pambansang teritoryo”, anang mga Kongresista.

Bilang reaksyon, sinabi naman ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., na ikinatutuwa nila ang inisyatibo ni Pangulong Rodrigo Duterte, bilang Commander in Chief na susuklian naman ng higit pang dedikasyon at magsisilbing inspirasyon upang matupad ang kanilang misyon.

“Nagbibigay ang AFP ng pinakamalalim na pagpapahalaga sa Kongreso para sa kanilang mga panibagong pagsisikap sa pagbibigay ng higit pang mga benepisyo at pagtaas ng suweldo ng aming mga sundalo, mandaragat, manlilipad at marino”, pahayag ni Padilla


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Mga balitang pag-luluksa kay Imam Hussein (a) sa mundo