Di manggagaling sa militarya ang destab plot

  • News Code : 858920
  • Source : ABNA24
Brief

Tiniyak kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hinding-hindi manggagaling sa kanilang hanay ang mga napapabalitang umano’y tangkang destabilisasyon laban kay Pangulong Duterte.


Tiniyak kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hinding-hindi manggagaling sa kanilang hanay ang mga napapabalitang umano’y tangkang destabilisasyon laban kay Pangulong Duterte.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Sinabi ni AFP spokesman Maj. Gen. Restituto Padilla na malabong mga sundalo ang magsasagawa ng destabilisasyon laban sa Pangulo dahil alagang-alaga nito ang military.

Ayon kay Gen. Padilla, alam ng AFP na mayroon silang commander-in-chief na may malasakit sa mga sundalong nagsisilbi sa bayan.

Kasabay nito, pinasa¬lamatan ng AFP si Pangulong Duterte kaugnay sa pangako nitong doblehin ang sahod ng mga sundalo bukod pa sa mga karagdagang kagamitan sa kanilang operasyon laban sa mga banta ng seguridad sa bayan.

Magugunita na 6 na beses nang binisita ni Duterte ang mga sun¬dalong nakikipaglaban sa Maute-ISIS group sa Marawi City.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Mga balitang pag-luluksa kay Imam Hussein (a) sa mundo