Nag-bebenta ng Bawal na gamot dedo, sanggol kritikal sa barilan

Nag-bebenta ng Bawal na gamot dedo, sanggol kritikal sa barilan

Isang drug pusher ang napatay habang nasa malubhang kalagayan ang isang 7 buwang sanggol nang tamaan ng bala sa tiyan matapos gamiting panangga ng una sa mga pulis kahapon ng madaling araw sa Maynila.



Isang drug pusher ang napatay habang nasa malubhang kalagayan ang isang 7 buwang sanggol nang tamaan ng bala sa tiyan matapos gamiting panangga ng una sa mga pulis kahapon ng madaling araw sa Maynila.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Namatay noon din ang suspek na si Edwin Pore,35,alyas Utak habang naaresto ang kasama nitong si Reggie Roxas, alyas Bakulaw, 41, ng 1228 Interior 14, Durian St., Kahilum II, Pandacan, Maynila. Inooperahan sa Philippine General Hospital (PCGH) ang sanggol na si John Alejandro Cuesta.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang magsagawa ng anti-criminality campaign ang Labores Community Precinct na sakop ng MPD-Station 10 matapos na makatanggap ng impormasyon na may nagaganap na video karera at bentahan ng shabu sa Kahilum Int. 13 Duran St. Pagdating sa lugar ay agad tumakas ang dalawa at hinabol ito hanggang sa masakote si Roxas.

Pumasok naman sa ikalawang palapag ng bahay si Pore at inabutan sa loob ang sanggol, isang apat na anyos batang babae at lola nilang si Jocelyn Jacutina.

Nang makita na papasok na sa bahay ang mga pulis, pinaputukan ito ni Pore sabay hablot sa sanggol para ga¬wing ‘human shield’ at nang gumanti ng putok si PO1 Melvin Melchor ay tinamaan ang sanggol sa tiyan. Muling pumutok si PO1 Melchor at tinamaan na si Pore na naging sanhi ng kanyang kamatayan.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Quds cartoon 2018