Duterte posible muling magdedeklara ng Batas Militar kapag hindi pinalawig ng Kongreso

  • News Code : 841262
  • Source : ABNA24
Brief

Walang ibang dapat gawin si Pangulong Rodrigo Duterte kundi magdeklara muli ng martial law sa Mindanao kapag hindi ito pinalawig ng Kongreso, ayon sa isang abogado.


Walang ibang dapat gawin si Pangulong Rodrigo Duterte kundi magdeklara muli ng martial law sa Mindanao kapag hindi ito pinalawig ng Kongreso, ayon sa isang abogado.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) – “If Congress does not extend on the 60th day upon initiative of the president, then there can be no extension,” paliwanag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ngayong Miyerkules.

“Another proclamation (would be) necessary,” dagdag niya.
Hanggang Hulyo 22 na lamang ang 60-araw na batas militar na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Mayo kasunod ng pag-atake ng Maute terror group sa Marawi City.

Iginiit ni Panelo na may basehan ang pagdedeklara ng martial law lalo na’t kahapon lamang ay ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na kumukwestyon sa legalidad nito.

“Dapat tingnan ang sitwasyon sa ground para matukoy kung kailangang pahabain pa ang martial law sa Mindanao,” sabi ni Panelo sa hiwalay na panayam.

“Hindi lang sa Marawi may mga terorista kaya kailangan ang martial law sa Mindanao,” dagdag ng abogado.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatapos ang kaguluhan sa Marawi City kung saan daan-daan na ang nasawi.

Sa ilalim ng Saligang Batas ay hanggang 60 araw lamang ang pagpapatupad ng batas militar at kinakailangan ang pag-apruba ng Kongreso kung nais itong palawigin.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*