Gustong-gusto na ni Duterte makatuntong sa Marawi

  • News Code : 841833
  • Source : ABNA24
Brief

Sa kasagsagan ng giyera at hindi sa oras ng kapayapaan ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makatuntong sa Marawi City.

Sa kasagsagan ng giyera at hindi sa oras ng kapayapaan ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makatuntong sa Marawi City.

Tulad ng binalita sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) – Ayon sa Pangulo na hindi siya papayag na hindi makara¬ting sa Marawi City kapag ito ay payapa na dahil mas gusto niyang makatuntong sa lungsod habang may kaguluhan pa.

Nais ng Pangulo na ipakita at iparamdam sa mga sundalo at pulis na siya’y kaisa nila at hindi niya iiwanan ang mga ito sa gitna ng giyera at pakikipagpatayan sa mga kalaban ng estado.

Idinagdag pa ng Pangulo, handa siya sa anumang mangyari sa kanya dahil kung talagang panahon na niya ay handa siyang mamatay makapunta lang ng Marawi.

Huling nagtangka si Duterte na makapunta sa conflict area nitong nakaraang Biyernes ngunit hindi nakatuloy dahil sa sama ng panahon kaya sa Iligan City na lamang ito nagtungo sa 2nd mechanized brigade ng Philippine Army (PA).


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*