Ibinalik ng DFA ang pasaporteng appointment slots sa publiko

  • News Code : 852966
  • Source : ABNA24
Brief

Upang makapagbigay ng maraming appointment slots sa publiko para sa kanilang passport application ay tinanggal na ng Department of Foreign Affairs ang fixed appointment slots ng mga travel agencies para sa passport application at renewal ng kanilang mga kliyente.

 

Upang makapagbigay ng maraming appointment slots sa publiko para sa kanilang passport application ay tinanggal na ng Department of Foreign Affairs ang fixed appointment slots ng mga travel agencies para sa passport application at renewal ng kanilang mga kliyente.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) -Nasa 1,200 slots na araw-araw ang nakareserba sa mga travel agencies ang tinanggal at ang mga ito’y ginawang karagdagang slots para sa mga regular na aplikante na sinimulang ipatupad ang patakaran noong Agosto 1, 2017.

Ayon kay Ricarte B. Abejuela III, Acting Director ng Passport Division ng Office of Consular Affairs, ang mga kliyente ng mga travel agencies, alinsunod sa bagong patakaran ng DFA, ay dapat dumaan din sa prosesong dinadaanan ng iba pang mga aplikante na nais mag-aplay o mag-renew ng kanilang pasaporte.

Mismong mga kawani ng DFA ay kailangan ding mag-adjust matapos tanggalin ang kanilang pribilehiyo na gamitin ang courtesy lane simula noong Agosto 1, 2017.

Sa ilalim ng bagong sistema, tanging mga mi¬yembro ng immediate family - magulang, asawa, anak, kapatid, lolo at lola, mga apo at parents-in-law - ng mga empleyado ang maaaring makagamit ng courtesy lane.
Ang kapansin-pansing pagbaba ng pang-araw-araw na courtesy lane slots na nakalaan sa mga DFA employee ay nagresulta sa pagtaas ng daily slots para sa mga aplikante na dapat makagamit ng nasabing special section.


“Kinakailangan nating magsagawa ng mga pagbabago para sa ikabubuti ng lahat. Gusto kasi natin na talagang ibalik yung courtesy lane doon sa mga dapat gumagamit nito. Ito yung senior citizens, mga taong may kapansanan, buntis, solo parents, mga batang edad 7 pababa, at Overseas Filipino Workers,” binigyang-diin ni Abejuela.

Dahil sa mga bagong courtesy lane slots, ani Abujuela, napalawak ng DFA ang depinisyon ng mga OFW na maaaring gumamit nito. Maaari na rin itong magamit ng mga OFW na magtatrabaho sa ibang bansa sa unang pagkakataon.

Maliban sa mga panibagong reporma, binuksan din ng DFA ang libu-libong appointment slots matapos taasan ang appointment quotas ng consular offices at tanggalin ang mga kahina-hinalang appointments na ginawa ng mga mapagsamantalang indibidwal. Karagdagang 94,350 slots ang binuksan mula July hanggang August, samantalang 86,889 ang kasalukuyang idinagdag para naman sa buwan ng Setyembre.

Matagumpay ding naibaba ng DFA sa zero ang dati nitong backlog na 33,000 aplikasyon na nag-aantay ng desisyon sa imbestigasyon sa ilalim ng Automated Fingerprint Identification System.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*