Iimbestigahan ng Senado ang BPI fiasco

Iimbestigahan ng Senado ang BPI fiasco

Isinulong kahapon ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na imbestigahan ng Senado ang diumano’y ‘computer glitch’ sa financial system ng Bank of the Philippine Islands (BPI) kung saan nag-panic ang maraming depositors.

Balitang Ahensiya g Ahlul-bayt (ABNA24) - Ayon kay Pimentel ang sinasabing “internal data processing error” na inamin mismo ng BPI na nakaapekto sa kanilang processing system ay nagresulta ng discrepancies sa bank account ba¬lances at debits ng ilang bank statements ng mga depositors.

Sinabi pa ni Pimentel na may mga constituents din umano na hindi satisfied sa naging paliwanag ng bangko at dapat tiyakin na hindi na mauulit ang nangyari sa BPI.

Mapanganib rin aniya ang nasabing “computer fias¬co” kahit pa tiniyak ng BPI na ang sinasabing “internal data processing error” ay hindi sanhi ng hacking.

Nais silipin ni Pimentel ang security protocols ng BPI at kung ano ang naging sanhi ng data error.

Dapat rin aniyang maipaliwanag nang maayos ng BPI ang nangyari para na rin sa kapakanan ng publiko lalo na ng kanilang mga depositors.

Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Quds cartoon 2018