Inaasahan ng mga utoridad ang posibleng dami ng masusugatan sa Traslacion

Inaasahan ng mga utoridad ang posibleng dami ng masusugatan sa Traslacion

Inaasahang magtatala ng malaking bilang ng masusugatan sa Traslacion ng Poong Itim na Nazareno kung kaya’t naka-‘code white” alert na ang lahat ng mga ospital sa Lungsod ng Maynila.


Inaasahang magtatala ng malaking bilang ng masusugatan sa Traslacion ng Poong Itim na Nazareno kung kaya’t naka-‘code white” alert na ang lahat ng mga ospital sa Lungsod ng Maynila.

Naiulat mula sa Balitang Ahensya ng Ahlul-bayt News Agency (ABNA240 - Ayon kay Department of Health (DOH) Assistant Secretary at Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy na paiiralin ang Code White alert hanggang Enero 10, 2018.

Ang Code White ay idinedeklara kapag mayroong malaking pagtitipon at mayroong posibilidad ng emergency condition.
Sa ilalim din ng Code White alert, on-call ang mga emergency health service, nursing at administrative personnel na nakatira sa hospital dormitory.

Bukod dito ay magpapakalat din ang DOH ng mga medical team sa ruta ng prusisyon para agad na makaresponde sa mga mangangailangan ng atensyong medikal.

Nasa 24/7 ang magiging pagbabantay ng DOH Operations Center para magbigay ng karagdagang suporta sa mga medical team na idedeploy sa prusis¬yon.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*