Isang konsehal ng Jolo dinukot ng Abu Sayyaf

  • News Code : 857686
  • Source : ABNA24
Brief

Jolo Sulu – Tinutugis ng militar at pulisya sa Sulu ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na dumukot kay Jolo Councilor Zed Tan nitong Miyerkules ng gabi sa bayan ng Indanan.

Jolo Sulu – Tinutugis ng militar at pulisya sa Sulu ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na dumukot kay Jolo Councilor Zed Tan nitong Miyerkules ng gabi sa bayan ng Indanan.

Naiulat sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ayon kay Joint Task Force Sulu commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, pabalik na sa town proper ang konsehal kasama ang 11 pang kapwa niyang siklista nang mangyari ang pagdukot sa hangganan ng mga barangay ng Timbangan at Tagbak sa Indanan, dakong 6:00 ng gabi nitong Miyerkules.

Nabatid na nagbibisikleta si Tan kasama ang 11 iba pa at pabalik na sa Jolo nang dukutin ang konsehal, ayon kay Sobejana.

Sinabi ni Sobejana na nasa anim na armadong miyembro ng Ajan-Ajang Group, na may kaugnayan sa Abu Sayyaf, ang puwersahang tumangay kay Tan para isakay sa pulang Tamaraw jitney.

Ayon sa report, nasa kustodiya na si Tan ng Tanum group, na pinamumunuan ng magkapatid na Yadah, sa Barangay Tugas sa Patikul.
Tumanggi si Sobejana na kumpirmahin ang nasabing report, at sinabing “bina-validate” na nila ang kaparehong impormasyon na natanggap nila mula sa intelligence community sa lugar.

Pinsan ni Sulu Gov. Abdusakur Tan II, ang konsehal ay bagitong opisyal pa lamang sa Jolo, ang kabisera ng Sulu.

Ayon kay Sobejana, bumuo na siya ng Task Force, na binubuo ng mga sundalo, upang resolbahin ang kaso ng pagdukot kay Tan at ligtas itong i-rescue mula sa mga bandido.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Mga balitang pag-luluksa kay Imam Hussein (a) sa mundo