Itinumba ang 2 pulis habang nag-guguwardya

  • News Code : 851847
  • Source : ABNA24
Brief

Ang mga nasawi ay kinilalang sina PO3 Edgar Oba-ob, 40, nakatalaga sa Police Assistance Community (PAC) Base at PO1 Ryan Cedric de Guzman, 29, nakatalaga naman sa Star Tall Way Base sa Brgy. Pantay Matanda ng lungsod.

Ayon sa Balitang Ahensya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Dead-on-the-spot ang dalawang pulis makaraang pagbabarilin sila ng hindi pa nakikila¬lang sampung armadong kalalakihan na umatake sa kanilang outpost kamakalawa ng gabi sa Brgy. Pantay Matanda, Tanauan City, Batangas.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina PO3 Edgar Oba-ob, 40, nakatalaga sa Police Assistance Community (PAC) Base at PO1 Ryan Cedric de Guzman, 29, nakatalaga naman sa Star Tall Way Base sa Brgy. Pantay Matanda ng lungsod.

Nasugatan naman ang isang Abindio Valencia, 48, ng Brgy. Tinurik nang tamaan ng ligaw na bala.

Batay sa ulat, bago naganap ang insidente bandang alas-10:00 ng gabi ay nasa loob ng kanilang outpost ang dalawang pulis nang umatake ang mga suspek na naka-bonnet na lulan ng kulay puting Sedan at pulang Nissan Urvan.

Pagtapat sa mga biktima ay agad pinagbabaril sila ng mga suspek sa ulo at katawan na kumitil sa kanilang buhay.

Narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang limang cartridge ng cal. 45 pistol, I piraso ng cartridge ng cal 5.56 at dalawang nadepormang bala.

Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*