Labing-lima Mandarambong tiklo sa Siyudad ng Marawi

Labing-lima Mandarambong tiklo sa Siyudad ng Marawi

Arestado ang labinglimang kawatan ng mga security forces matapos na masangkot sa pagnanakaw sa mga inabandonang bahay sa lungsod ng Marawi na nasa krisis pa rin ngayon kaugnay ng patuloy na opensiba ng militar laban sa Maute-ISIS group.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) –sa Marawi, sampu sa mga magnanakaw ay nasakote ng mga awtoridad nitong Huwebes ng gabi, samantalang ang lima pa ay kahapon naman ng umaga.

Nabatid na habang nagsasagawa ng operasyon ang tropang gobyerno upang masagip ang mga sibilyan na nanatiling natra-trap pa sa bakbakan ay naaktuhan ang ilan sa mga kawatan na pinagnanakawan ng mga ito ang kabahayang inabandona ng mga may-ari nito na nagsilikas sa takot na maipit sa bakbakan.

Base pa sa report ang iba naman sa mga looters ay nahuli sa checkpoint kung saan hindi umano ng mga ito maipaliwanag kung saan galing ang mga bitbit nitong mga alahas at cellphones.

Itinurn-over na ang mga suspek sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa rehiyon upang maisailalim sa imbestigasyon at masampahan ng kaukulang kasong kriminal.

Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Quds cartoon 2018