Magkapatid na Maute, Hapilon wala nang kawala

  • News Code : 851520
  • Source : ABNA24
Brief


Ayon kay AFP chief of Staff Eduardo Ano, nasa loob na lamang ng 500 square meter area ang mga terorista at paniwala nila na nandoon pa ang magkapatid na Omar at Abdullah Maute gayundin si Hapilon na nagtatago sa maliliit na moske sa nasabing lugar.


Ayon kay AFP chief of Staff Eduardo Ano, nasa loob na lamang ng 500 square meter area ang mga terorista at paniwala nila na nandoon pa ang magkapatid na Omar at Abdullah Maute gayundin si Hapilon na nagtatago sa maliliit na moske sa nasabing lugar.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng AHlul-bayt (ABNA24) - Inihayag ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala nang takas ang teroristang Maute brothers at Isnilon Hapilon at kanilang kasama dahil sa nakorner na ng tropa ang lugar ng mga ito.

Ayon kay AFP chief of Staff Eduardo Ano, nasa loob na lamang ng 500 square meter area ang mga terorista at paniwala nila na nandoon pa ang magkapatid na Omar at Abdullah Maute gayundin si Hapilon na nagtatago sa maliliit na mosque sa nasabing lugar.

Tiniyak ni Ano na wala nang makakatakas pang terorista sa lugar at kung nais man nilang pumasok ay di na aabot pa sa war area dahil mata-tambangan na agad sila ng militar.

Ang layunin umano ngayon ng militar ay “no in no out” sa battle area at kung gusto ng mga terorista na magtungo sa langit ay ibibigay nila ang tsansa na makapunta sila doon.

Wala namang binigay na timetable si Ano kung kailan matatapos ang giyera sa Marawi na halos mahigit ng tatlong buwan na kung saan ay nasa 700 katao na ang namamatay na karamihan ay mga terorista.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*