Malapit isang daan ang mga PNP tinanggal mula sa kani-kanilang serbisyo

  • News Code : 841830
  • Source : ABNA24
Brief


Nilagdaaan na ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang pagtanggal sa serbisyo ng nasa 84 pulis kabilang ang dalawang Colonel na sangkot sa pagtataksil at droga.


Nilagdaaan na ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang pagtanggal sa serbisyo ng nasa 84 pulis kabilang ang dalawang Colonel na sangkot sa pagtataksil at droga.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) – Kabilang dito ay sina Supt. Maria Cristina Nobleza, ang sinibak na hepe ng PNP Crime Laboratory Region 11 at si Supt. Lito Cabamongan, tinanggal naman sa puwesto bilang hepe ng Crime Laboratory Satellite Office sa Alabang, Muntinlupa City.

Si Cabamongan ay nahuli noong Marso 30 ng mga otoridad sa pot session sa Las Piñas City na ayon kay Dela Rosa ay nabuwang umano sa droga.
Samantalang si Nobleza ay nakipagsabwatan at naging boyfriend ang Abu Sayyaf bomber na si Reener Lou Dungon ay nasakote naman noong Abril ng taong ito sa checkpoint sa Clarin, Bohol.

Sinabi ni Dela Rosa na may tatlo hanggang apat na kaso siyang ipinare-rebyu dahilan hindi lamang nakabayad ng utang sa 5-6 ang mga pulis ay nadismis na sa serbisyo kung saan kailangan ng lagda niya bago ito mapagtibay.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*