Naghahanap ng ‘protektor’ ng mundo ang NASA

  • News Code : 847116
  • Source : ABNA24
Brief


Gusto mo bang maging tagapagligtas ng mundo tulad ni Shaider?





Gusto mo bang maging tagapagligtas ng mundo tulad ni Shaider?


Ayon sa Balitang Ahesiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Nitong nakaraang buwan lamang ay pormal nang inihayag ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang isang trabaho na naglalayon na proteksyonan ang daigdig laban sa mga alien.

Ayon sa NASA, ang isang planetary protection officer (PPO) ang mangangalaga sa mundo laban sa ‘organic constituents’ o organismong kabilang sa ibang planeta na makapasok sa atmospera na maaring panimulan ng kontaminasyon sa buong mundo.Bukod dito, iniiwasan din ng ahensya ang pagkapit ng mga ‘local organism’ o organismong galing sa tao sa spacecraft dahil sa posibilidad na mapunta sa ibang planeta.

Upang mapigilan ito, inaatasan ang isang PPO na siyasatin at tiyakin na malinis ang bawat spacecraft na papasok at lalabas sa atmospera ng mundo.

Bukod sa paglibot sa iba’t-ibang bansa para siyasatin ang bawat spacecraft, maaring kumita ang isang PPO ng hindi bababa $124,406 o P6.2 milyon.

Ilan pa sa mga responsibilidad ng isang PPO ay ang pangunguna sa kakayahan ng NASA na magbigay proteksyon sa daigdig, pagsasaayos ng polisiya ng planetary protection, at pag-iimplementa nito sa mga space flight missions ng ahensya.

Ngunit ayon sa NASA, pawang mga U.S. citizens at U.S. nationals lamang ang kwalipikado sa nasabing trabaho.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*