Nakorner ang kilabot na myembro ng Abu Sayyaf

  • News Code : 853289
  • Source : ABNA24
Brief

Inaresto ng militar ang kilabot na tauhan ng Abu Sayyaf Group (ASG) leader na si Radullan Sahiron sa Barangay Buhanginan sa Patikul, Sulu, nitong Huwebes ng gabi.


Inaresto ng militar ang kilabot na tauhan ng Abu Sayyaf Group (ASG) leader na si Radullan Sahiron sa Barangay Buhanginan sa Patikul, Sulu, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) Spokesman Army Capt. Jo-Ann Petinglay ang naarestong bandido na si Milham Saham, 24, taga-Bgy. Bangkal, Patikul, Sulu.

Sinabi ni Petinglay na naharang si Saham ng mga tauhan ng 45th Infantry Battalion sa Bgy. Buhanginan sa Patikul, Sulu bandang 6:00 ng gabi nitong Huwebes.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, “Troops conducted a checkpoint following reports on the alleged movement of the Abu Sayyaf in the area, resulting in the arrest of Abu Sayyaf member Saham.”

Nasamsam mula kay Saham ang ilang gamit sa paggawa ng improvised explosive device, kabilang ang ammunition nitrate fuel oil na may detonating cord, electrical wires, electrical tapes, at circuit assembly, ayon kay Sobejana.

Positibong kinilala si Saham ng mga impormante bilang tauhan ni Sahiron at dati ring iniugnay sa mga grupo ng mga nasawing sub-leader ng Abu Sayyaf na sina Hairulla Asbang, Alden Bagadi, at Alhabsy Misaya, dagdag pa ni Sobejana.

Batay sa huling datos ng militar, nasa 299 na sa Abu Sayyaf ang na-neutralize—122 ang napatay, 103 ang sumuko, at 74 ang naaresto.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*