Nasabihan si Trudeau: Tanggalin sa bansang Pinas ang basura ng Canada

  • News Code : 867532
  • Source : ABNA24
Brief

Muling pinaalala ng Greenpeace Philippines kay Punong Ministro ng Canada Justin Trudeau ang pag-aalis sa bansa ng mga basura ng Canada na ipinasok sa Pilipinas.



Muling pinaalala ng Greenpeace Philippines kay Punong Ministro ng Canada Justin Trudeau ang pag-aalis sa bansa ng mga basura ng Canada na ipinasok sa Pilipinas.

Ayon sa Balitang Ahensya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Matataandaan na noong taong 2013 hanggang unang bahagi ng 2014 ay mayroong dumating na 103 na container vans nag naglalaman ng basura mula sa Canada, na diumano ay ire-recycle. Ngunt ayon sa ilang ulat, ito ay itinambak sa Capas, Tarlac.

Ayon sa pahayag ng Greenpeace Southeast Asia campaigner Abigail Aguilar noong Lunes, November 13, hindi mapagtatakpan ng ilang “public relation antics” ni Trudeau ang problemang dulot ng mga basura mula sa Canada.

Ani Aguilar, 'Tinanggap namin siya sa ating pang-karaniwang Filipino hospitalidad, fanfare at respeto, umaasa tayo na magpapakita din siya ng paggalang sa ating bansa at sa ating mga mamamayan sa pamamagitan ng pagkuha ng kanilang basura sa Canada, kung saan ito nabibilang'.

Noong 2015 ASEAN Summit, sinabi ni Trudeau na sosolusyunan ng gobyerno ng Canada ang isyung ito.

Muling nasa bansa ang Canadian prime minister para sa 2017 ASEAN Summit, at kasalukuyan na nagsasagawa ng press briefing sa ICM Media Center sa Pasay City.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*