Paglawak sa suspensyon sa Qatar, binawi sa OFWs na may OEC

Paglawak sa suspensyon sa Qatar, binawi sa OFWs na may OEC

Matapos na ianunsyo ng Labor Department ang pansamantalang suspensyon sa pagpapadala ng mga overseas Filipino workers OFWs), nilinaw kahapon ng pamahalaan na hindi kasama dito ang mga OFWs na may kontrata na at nagbabalik sa Qatar, at ang mga may hawak na overseas employment certificate o OEC.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Sa pulong balitaan sa Philippine Overseas Employment Administration kahapon, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi paglawak na pagbabawal ang ipinatutupad sa Qatar kundi moratorium o temporary suspensyon lamang para sa mga manggagawa na walang OEC.

Sinabi ni Bello na habang ipinatutupad ang suspension sa deployment sa Qatar, ititigil muna ang pagbibigay ng OEC habang hindi pa naayos ang diplomatic crisis sa Qatar.

Sa hiwalay na pahayag ng Department of Foreig Affairs, sinabi na katuwang nito ang DOLE, OWWA, POEA, PH Embassies at Philippine Overseas Labor offices Gulf Region sa pagmomonitor, pag-assess at pakikipag-coordinate sa sitwasyon sa nasabing rehiyon.

“Kaugnay nito, ang pamahalaan ng PH nilinaw na ang mga taong nagtatrabaho sa o may kagyat na negosyo sa Qatar ay libre upang bumalik ngunit dapat obserbahan karaniwang pag-iingat, '” anang pahayag ng DFA.

Nilinaw din ng DFA na magpapatuloy ang pagpoproseso sa mga dokumento para sa deployment ng OFWs sa Qatar. Gayunman, ang mga bagong hire umano na nasa Pilipinas pa ay kober na sa temporary moratorium sa deployment ng mga OFWs sa Qatar habang tinataya pa ang sitwasyon doon.

Kasabay nito, muling nanawagan ang pamahalaan sa may 240,000- 260,000 Pinoy o OFWs sa Qatar na mag-ingat at tiniyak na handa ang gobyerno na magbigay ng lahat ng assistance sa mga Pinoy na maapektuhan sa krisis.

Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Quds cartoon 2018