Paolo Duterte : Nag-bitiw sa Siyudad ng Davao bilang bise alkarde?

Paolo Duterte : Nag-bitiw sa Siyudad ng Davao bilang bise alkarde?

Nagbitiw sa tungkulin si Davao City Vice Mayor Paolo Z. Duterte at binigyang-diin ang pagkakaroon niya ng delicadeza makaraang masangkot sa pagpupuslit ng bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu sa Bureau of Customs at pagsasapubliko noong nakaraang linggo sa away nila ng kanyang panganay na anak na pinagpistahan sa social media.

Nagbitiw sa tungkulin si Davao City Vice Mayor Paolo Z. Duterte at binigyang-diin ang pagkakaroon niya ng delicadeza makaraang masangkot sa pagpupuslit ng bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu sa Bureau of Customs at pagsasapubliko noong nakaraang linggo sa away nila ng kanyang panganay na anak na pinagpistahan sa social media.

Naiulat mula sa Balitang Ahensya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Isinapubliko ng panganay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang resignation bilang bise alkalde ng siyudad nang basahin niya ang kanyang speech sa special session ng Sangguniang Panlungsod kahapon.

Pinigilan ng bise alkalde na maiyak habang binabasa ang kanyang speech, kasunod ng pagdedeklara ng konseho ng state of calamity sa siyudad dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Vinta’ sa nakalipas na mga araw.

'May mga kamakailang pangyayari sa buhay ko na malapit sa aking kabiguan noong sa una kong kasal,' sabi ni Paolo sa harap ng plenaryo. 'Ang mga ito, bukod sa iba pa, kasama na ang maligning ng aking reputasyon sa kamakailang pagbagsak ng insidente ng pangalan ko sa kaso ng pagpupuslit ng Bureau of Customs at ang pampublikong pakikipaglaban sa aking anak na babae. '

Noong nakaraang linggo, nagsagutan sa Facebook at Twitter sina Paolo at panganay niyang si Isabelle makaraang unang parunggitan ng 17-anyos ang ama tungkol sa umano’y pambubugbog sa isang menor de edad.

Humingi ng paumanhin ang bise alkalde sa naging epekto ng bigo niyang relasyon “that has happened as a result of a wrong decision to marry at a very young age.”

'Lumalaki ako noon hindi kailanman nabigo ang aking mga magulang na paalalahanan ang halaga ng oras na pinarangalan na prinsipyo ng delicadeza at ito ay isa sa mga pangyayari sa aking buhay na kailangan kong protektahan ang aking karangalan at ng aking mga anak,' anang ni bise alkalde.

'Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga Dabawenyos para sa inyong mga suporta sa aking tanggapan at inaasahan ko ang araw at oraw na magagawa ko muli ang aking paglilingkod sa inyo at sa ating mahal na bansang sinilangan.'

Kaagad ding nilisan ni Paolo ang gusali matapos basahin ang kanyang talumpati.

Sa isang panayam, sinabi ng kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte na alam niya at ng amang si Pangulong Duterte ang pagbibitiw ng bise alkalde.

Gayunman, sinabi ng alkalde na hanggang hindi tinatanggap ng Presidente ang resignation ni Paolo ay mananatiling “on leave” ang status ng bise alkalde.

Nilinaw ni Sara na tanging si Pangulong Duterte ang maaaring tumanggap at magsapinal sa pagbibitiw sa tungkulin ni Paolo.

Sinabi rin ng alkalde na suportado niya ang naging pasya ng kanyang kapatid. “These are things that are beyond us.”

Una nang itinanggi ng bise alkalde ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa pagkakapuslit ng P6.4-bilyon shabu sa Customs nang humarap siya sa imbestigasyon ng Senado sa usapin.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Quds cartoon 2018