Patay sa bakbakan ang 9 na miyembro ng Maute-ISIS

  • News Code : 846627
  • Source : ABNA24
Brief


Siyam pang miyembro ng Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) ang napatay sa patuloy na bakbakan sa Marawi City habang nasa 2 barangay na lamang ang sentro ng labanan matapos na pumalo na sa 75 araw ang krisis sa lungsod kahapon.


Siyam pang miyembro ng Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) ang napatay sa patuloy na bakbakan sa Marawi City habang nasa 2 barangay na lamang ang sentro ng labanan matapos na pumalo na sa 75 araw ang krisis sa lungsod kahapon.

Naiulat sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., nasa 522 na ang napapaslang na Maute-ISIS o karagdagan pang siyam na teroristang nasawi sa nakalipas na dalawang araw o hanggang Biyernes dakong alas-7 ng gabi sa battle zone.

Gayunman, tatlo pang sundalo ang nagbuwis ng buhay matapos na pumalo na sa 119 ang nasawi sa tropa ng pamahalaan. Nanatili naman sa 45 ang mga nasawing sibilyan.

Sinabi ni Padilla na sa kasalukuyan ay nakatuon na lamang sa dalawang barangay na nasa isang kilometriko kuwadrado ang sentro ng sagupaan sa lungsod .

Nabatid na nasa 30 hanggang 40 na lamang Maute-ISIS terrorists ang nagtatago sa battle zone na armado ng mga eksplosibo dahilan nauubusan na ang mga ito ng bala.

Kaugnay nito, inihayag naman ni AFP Joint Task Force (JTF) Marawi Spokesperson Captain Jo-ann Petinglay na higit pang tumaas ang moral ng mga sundalo na inspirado para tapusin na sa lalong mada¬ling panahon ang krisis sa lungsod matapos na muling bumisita sa battle zone nitong Biyernes si Pangulong Rodrigo Duterte.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*