Pinuri ng Pangulong Amerika si Duterte?

  • News Code : 866728
  • Source : ABNA24
Brief

Nagpahayag kahapon ng pasasalamat at pagpuri si US President Donald Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay umano ng matagumpay na pagho-host ng bansa sa 31st ASEAN Summit.

Nagpahayag kahapon ng pasasalamat at pagpuri si US President Donald Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay umano ng matagumpay na pagho-host ng bansa sa 31st ASEAN Summit.

Ayon sa Balitang Ahensya ng Ahlul-bay (ABNA24) - Si “Rodrigo (President Duterte),Gusto kong purihin ka sa iyong pag-tagumpay bilang pinuno ng ASEAN dito sa kritikal na sandaling oras... Ang ipinalabas kagabi ay hindi kapani-paniwala. At ikaw din ay din kapani-paniwala,” wika pa ni US President Trump, matapos na mapakanta si Pangulong Duterte ng kantang “Ikaw” ka-duet si Asia’s Queen of Song Pilita Corales, dahil na rin sa hiling ni Trump.

Siniguro naman ni Trump na lalong palalakasin ng Trump administration ang relasyon nito sa Pilipinas gayundin sa ASEAN.

Nauna rito ay nagkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Duterte at President Trump sa PICC, sa Pasay City, kung saan tumagal ito nang halos isang oras.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagkaroon ng prangkang usapan sina Pangulong Duterte at President Trump na inabot ng 40 minuto kung saan siniguro ni Trump na kaibigan siya ng Duterte administration.

“Pinatunayan nila ang napakalapit na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at US. Sinabi mismo ni Pangulong Trump na lagi siyang kaibigan ng pangangasiwa ni Duterte, at tulad ng mga nakaraang mga administrasyon ng Estados Unidos, binigyang diin niya na maaaring mabilang siya sa bilang ng kaibigan ng administrasyon ni Pangulong Duterte,”wika pa ni Sec. Roque sa Malacañang reporters matapos ang bilateral talks nina Duterte at Trump.

Tinalakay din umano ng dalawang lider ang usapin ng kalakalan at iminungkahi ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng pagkakaroon ng free trade sa pagitan ng Pilipinas at US.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*