PNP: Zero sa pamahalaang Duterte ang kaso ng EJK

  • News Code : 858923
  • Source : ABNA24
Brief

Wala pang naita¬tala ang Philippine National Police ng isang kaso ng extra judicial killing (EJK) sa ilalim ng admi¬nistrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Wala pang naita¬tala ang Philippine National Police ng isang kaso ng extra judicial killing (EJK) sa ilalim ng admi¬nistrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Ito ang iniyahag kahapon ni Chief Supt. Dionardo Carlos, Spokesman ng PNP base sa kanilang rekord na taliwas sa espekulasyon ng mga kritiko.

“The PNP protects every individual’s right to life. To allay/remove their fear of becoming victims of EJK, let it be known that under the present administration, so far there is no case of extra-judicial killing from July 1, 2016 up to September 30, 2017,” paglilinaw ni Carlos.

Ginawa ni Carlos ang pahayag bilang reaksyon sa resulta ng survey ng Social Wea¬ther Stations (SWS) na nagsasabing 73% ng mga Pinoy ay nababahala na maging biktima ng EJK kaugnay ng giyera sa droga o ang Oplan Tokhang ng PNP.

Tinukoy sa survey na nababahala ang mga respondents kung saan 37% noong Marso at 41% naman noong Hun¬yo ang takot rin sa Oplan Tokhang ng PNP dahilan baka ang nasabing mga sibilyan o miyembro ng kanilang mga pamilya ang susunod umanong maging biktima.

Tiniyak ni Carlos na ipagpapatuloy ng PNP ang mandato nito upang mapagbuti ang sitwasyon ng peace and order sa bansa at mapababa ang kriminalidad na karaniwang biktima ang mga ordinaryong mamamayan.

Sinabi naman ni PNP Chief P/Director Ge¬neral Ronald dela Rosa na kung sa survey ay 90 % ng mga Pinoy ay nais na mahuli ng buhay ang mga suspek na tulak ng droga ay 100% naman ng nais ng kapulisan na buhay na masakote ang mga drug personality para mapanagot sa batas.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Mga balitang pag-luluksa kay Imam Hussein (a) sa mundo