Posibleng Batas Militar sa buong bansa

  • News Code : 853687
  • Source : ABNA24
Brief

Idedeklara ni Duterte ang batas militar kapag dinala ng New People’s Army (NPA) ang giyera sa kalunsuran ay mapipilitan si Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang Batas Militar sa buong bansa.


Idedeklara ni Duterte ang batas militar kapag dinala ng New People’s Army (NPA) ang giyera sa kalunsuran ay mapipilitan si Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang Batas Militar sa buong bansa.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) -“Do not commit the mistake of staging a rebellion. ‘Yung sabihin mo na there’s fighting on the streets. I will not hesitate to impose Martial Law all throughout the country and order the arrest of everybody,” wika ni Pangulong Duterte sa media interview kamakalawa sa Cagayan de Oro City nang bisitahin ang mga sugatang sundalo.

“Ayaw ko makipagpatayan, ngunit kung gagawin niyo ito ipahuhuli ko kayo. Lahat kayo. Hindi ako nananakot, sinasabi ko lang sa inyo ‘yan,” dagdag pa ni Duterte.

Winika pa ng Pa¬ngulo, kapag inutos ng Communist Party of the Philippines sa kanyang armed wing na NPA na dalhin sa kalsada ang pakikipaglaban ay magdedeklara na siya ng Martial Law.

“No government time. Manatili kayo sa inyong mga tahanan. Mga estud¬yante, kung gusto ninyong sumali, you are free. You can have the city, but do not create trouble. ‘Yan lang talaga ang warning ko. Do not resort to destruction and trouble because I will order the military and the police to go against you,” giit pa ng Pangulong Duterte.

Nagbabala rin ang Pa¬ngulo sa mga komunistang grupo na huwag siyang subukan ng mga ito sa pamamagitan ng pagsusunog sa urban ¬areas.
“Hindi maatanggap yan”. Ang kaharap ninyo baril, sigurado ‘yan,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Magugunita na pinatigil ng Pangulo ang peace talks ng gobyerno sa CPP-NPA-NDF dahil sa ginagawang pag-atake nito sa mga pulis at military kabilang ang pananambang sa miyembro ng Presidential Security Group.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*