Prof. Nur Misuari nasa pagdinig sa Sandiganbayan?

Prof. Nur Misuari nasa pagdinig sa Sandiganbayan?

Muling iimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang kaso laban kay Moro National Liberation Front founder Nur Misuari.


Muling iimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang kaso laban kay Moro National Liberation Front founder Nur Misuari.

Naiulat mula sa Balitang Ahensya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Iniutos ng Third Division ng Sandiganbayan ang pagsususpinde sa pagdinig sa kaso ni Misuari upang bigyang daan ang isa na namang preliminary investigation.

'Hayaan muna ililitis ... kung saan gaganapin sa pagpapaalam hanggang sa pag-usig na maaaring sundin lamang ang resolusyon ng korte,' nakasaad sa resolusyon na may petsa na Disyembre 6 at kahapon lamang inilabas.

Nag-ugat ito sa hirit ni Misuari na reinvestigation na inaprubahan naman ng Sandiganbayan court nitong Nobyembre 23.

Kinasuhan si Misuari na dating gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ng tatlong counts ng graft, tatlong counts ng malversation of public funds dahil sa umano’y pamemeke ng papeles sa pagbili ng kagamitan para sa pampublikong paaralan na nagkakahalaga ng P115.2 milyon noong taong 2000 at 2001.

'Ang pag-uusig ay binibigyan ng hindi maibabalik ang pagkakataon sa loob ng 60 araw mula sa pagpapaunawa kung saan para tapusin ito ... ang preliminaryong imbestigasyon ... at upang isumite ang mga resulta nito,' sabi ng korte.

Sumuko si Misuari sa National Bureau of Investigation sa Davao City nitong Setyembre at nagpiyansa sa halagang P460,000 sa Davao City regional trial court.

Lumabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na walang biniling educational materials ang pamahalaan ng ARMM.

Pineke umano nina Misuari at lima pang opisyal na sina Leovigilda Cinches, Department of Education-ARMM director; chief accountant Pangalian Maniri, supply officer Sittie Aisa Usman; accountant Alladin Usi at Commission on Audit-ARMM resident auditor Nader Macagaan ang mga disbursement vouchers, purchase orders, canvass reports, sales invoices at delivery receipts.

Dawit din naman sa kaso sina Cristeta Ramirez ng CPR Publishing at Lolita Sambeli ng White Orchids Printing and Publishing House.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Quds cartoon 2018