Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay nalulungkot sa pagkalat ng ibat-ibang sakit sa Marawi

  • News Code : 859866
  • Source : ABNA24
Brief

Nabahala ang Sandathang Lakas ng Pilipinas (AFP) sa pagdami ng mga nagkakasakit sa syudad ng Marawi dahil sa pagkalat ng mga bangkay na hindi agad naililibing.


Nabahala ang Sandathang Lakas ng Pilipinas (AFP) sa pagdami ng mga nagkakasakit sa syudad ng Marawi dahil sa pagkalat ng mga bangkay na hindi agad naililibing.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Sinabi ni Joint Task Force Lanao Deputy Commander Col. Romeo Brawner na katulong nila ang Department of Health (DOH) sa sanitation upang mapigilan ang paglala ng mga sakit at impeksyon.

Ayon kay Brawner, dumarami ang mga nagkakasakit ng dengue, leptospirosis, typhoid fever at iba pa.

“Magki-clear po, magsa-sanitize ang Department of Health dahil napakaraming sakit ngayon dito sa loob ng lungsod dahil sa mga bangkay na Maute at sundalo. Yung mga bangkay ng sundalo na-recover na natin, but may mga bangkay pa na nakakalat dito, at ito ang dahil ng pagtaas ng non-battle casualties dito sa loob (Marawi),” hayag ni Brawner.

Dagdag niya, patuloy na nakakatanggap ng tulong mula sa ibang bansa gaya ng Amerika at Australia, ang mga residente ng Marawi.

“May mga nakukuha pa rin tayong tulong galing sa ibang bansa partikular sa US at Australia in terms of our intelligence gathering,” sabi ni Brawner.

Target ng militar na tapusin sa huling bahagi ng Oktubre ang krisis sa Marawi, aniya.

Ayon naman ni Maj. Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, ginagawa nila ang lahat upang hindi na umabot ng Disyembre ang kaguluhan sa Marawi.

Hindi nagbigay ng petsa si Padilla kung kailan matatapos ang krisis ngunit nais nila na matuldukan na ito ngayong buwan ng Oktubre.

Ilalahad na lang ng militar kung tapos na ang sagupaan at tiyak nang nabawi ang buong Marawi sa kamay ng mga terorista.

Unang sinabi ni Padilla na kahit kaunti na lamang ang naririnig na putukan sa main battle area, nagpapatuloy pa rin ang clearing operations ng militar upang matiyak na walang improvised explosive device o mga patibong na iniwan ang mga terorista sa nasabing lungsod.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*