Sisibakin ni Duterte ang ilan matataas na opisiyal sa bansa

Sisibakin ni Duterte ang ilan matataas na opisiyal sa bansa

Madaragdagan na naman ang listahan ng mga napatalsik na opisyal ng gobyerno bukas kapag inihayag na ito ng Malacañang.


Madaragdagan na naman ang listahan ng mga napatalsik na opisyal ng gobyerno bukas kapag inihayag na ito ng Malacañang.

Ayon sa Balitang Ahensya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Sinabi ni presidential spokesman Harry Roque said Duterte na may gustong sibakin si Pangulong Rodriog Duterte nitong bisperas ng Bagong Taon ngunit pinigilan niya ito.

"Eh sabi ko, 'Huwag naman po, Mr. President. Pabayaan muna natin mag-happy new year 'yung sisibakin. Pagdating ng January 3 saka na natin siya sibakin," pahayag ni Roque sa kaniyang panayam sa dzBB kahapon.
Tumanggi ang tagapagsalita na pangalanan ang sisibakin ngunit inilarawan niya ito na mataas ang posisyon.

"Aba'y siyempre [top-level]. Wala namang low-level na sinisibak si Presidente... Gusto niya na talaga mga mataba para magsilbing ehemplo. Walang maliliit na isda. Puro mga big fish ang ginagamit niyang ehemplo," dagdag niya.

Mula nang maupo sa pwesto ay nangako si Duterte na lilinisin ang gobyerno mula sa mga abusado at mga kurakot.

Ilan sa mga nasibak na ay sina dating Interior Secretary Ismael Sueno, dating National Irrigation Administration chief Peter Laviña, Presidential Commission on Urban Poor Terry Ridon at apat na commissioner dahil sa umano’y junkets.

Hindi pa naman inaaksyunan ng pangulo ang umano’y magarbong Christmas party ng Philippine Charity Sweepstakes Office na nagkahalaga ng milyun-milyon.

Kinumpirma ni PCSO General Manager Alexander Balutan na umabot ng P6 milyon ang nagastos para sa party ng 1,580 empleyado nila.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Arba'een
Mga balitang pag-luluksa kay Imam Hussein (a) sa mundo
haj 2018