Trillanes, Aquino, Alejano may kinalaman sa paglusob sa Marawi siege - Aguirre

Trillanes, Aquino, Alejano may kinalaman sa paglusob sa Marawi siege - Aguirre

Sinabi ni Aguirre ngayong Miyerkules na ang panggugulo ng grupong teroristang Maute terror sa sentro ng lalawigan ng Lanao del Sur ay parte ng destabilisasyon sa administrasyong Duterte.

Sinabi ni Aguirre ngayong Miyerkules na ang panggugulo ng grupong teroristang Maute terror sa sentro ng lalawigan ng Lanao del Sur ay parte ng destabilisasyon sa administrasyong Duterte.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) – Idinawit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sina Sens. Antonio Trillanes IV at Bam Aquino sa kaguluhan sa siyudad ng Marawi.

Sinabi ni Aguirre ngayong Miyerkules na ang panggugulo ng grupong teroristang Maute sa sentro ng lalawigan ng Lanao del Sur ay parte ng destabilisasyon sa administrasyong Duterte.

Aniya nagpulong sina Trillanes at Aquino sa siyudad ng Marawi tatlong linggo bago umatake ang lokal terrorist group sa lungsod.

Kasunod nito ay iniutos ni Aguirre na imbestigahan ang posibilidad na anggulo ng destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, nauna nang nilinaw ng Departmento ng Kalakalan and Industriya na ang pagbisita ni Aquino sa lungsod ay para sa pagbubukas ng Negosyo sentro.

Dagdag nila na matagal nang sinusuportahan ng senador ang micro, small and medium enterprise (MSME) sector.

“Ang DTI nais lamang upang ihayag ang katotohanan na si Sen. Bam Aquino, kasama ang aming iba pang mga stakeholder sa militar, ang mga negosyong sektor at ang mga lokal na pamahalaan, ay sa Marawi na dumalo sa paglulunsad ng ARMM unang negosyo Mga Sentro sa Marawi, ang 508 Negosyong Sentro sa bansa” paglilinaw ni DTI Secretary Ramon Lopez nitong Mayo 26.

'Ito ay hindi marapat na ang kanyang pagbisita ay ngayon ang paksa ng mga maling balita at mga ulat,'” dagdag niya.

Idinawit din ni Aguirre sina Magdalo party-list Representative Gary Alejano at ex-presidential adviser Ronald Llamas.

Kamakailan lamang ay itinuro din ni Aquirre si Sen. Leila de Lima na may kasalanan sa trahedyang nangyari sa Resorts World Manila, kung saan 38 ang namatay.


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Arba'een
Mga balitang pag-luluksa kay Imam Hussein (a) sa mundo
haj 2018