Walo ang nasawi at lima ang nasugatan sa mortar eksplosyon

Walo ang nasawi at lima ang nasugatan sa mortar eksplosyon

Nasawi ang walong katao habang sugatan ang limang iba pang kasama nila makaraang sumabog ang napulot na mortar sa loob ng “bunkhouse ng Sirawai Plywood Lumber Corporation na matatagpuan sa Sitio Washington, Brgy. Guban, Sirawai, Zamboanga del Norte.

Ayon sa Balitang Ahensya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Namatay noon din sina Marcelo Antogan, 21; Roel Balamban,18; Roberto Timgulaan, 9; Loed Timbulaan, 8; Ben Timbulaan, 6:at Lade Balamban.Habang idineklarang dead on arrival sa pagamutan sina Jeofer Timbulaan at Junrey Sango; kapwa 18-anyos.

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga nasugatang sina Lito Timbulaan, 37; Joey Sundongon,18;Edick Malanao, 18; Arnel Quemas at Junrey Quemas.

Batay sa ulat, bandang alas-5:00 ng hapon nang mangyari ang pagsabog sa nasabing lumber firm pero dakong alas-10:30 na ng gabi kamakalawa nang iulat ito ni Melecio Arcenal, Chief Security ng Sirawai Plywood Lumber Corporation.

Sinabi ni Arcenal na napulot ng kanilang trabahador na si Marcelo sa bukiran ang isang mortar na dinala nito sa kanilang ‘bunkhouse’ saka minartil¬yo sa harapan ng kaniyang mga kamag-anak at kaibigan bunsod upang sumabog ito na ikinamatay ng walong katao habang lima ang malubhang nasugatan.

Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*