?>

Aming desisyon kanselahin ang mga pangako pagdating sa nukleyar, kailangan base sa lohikal at tama desisyon/Ang aming panrehiyong presensya upang mapahusay ang aming katatagan at katatagan ng rehiyon

Aming desisyon kanselahin ang mga pangako pagdating sa nukleyar, kailangan base sa lohikal at tama desisyon/Ang aming panrehiyong presensya upang mapahusay ang aming katatagan at katatagan ng rehiyon



Ang aming desisyon ay kanselahin ang mga pangako pagdating sa nukleyar, kailangan base sa lohikal at tama/ang aming panrehiyong presensya upang mapahusay ang katatagan at katatagan din ng rehiyon.
Si Pinunong Ayatollah Syed Ali Khamenei, sa okasyon ng pagdiriwang sa mga tao ng lungsod ng Qom laban sa rehimen ng Shah noong taong 1978 laban sa malupit na rehimen ng Shah, sinabi niya, na ang Iran ay may mga obligasyon upang suportahan ang mga kaalyado nito sa rehiyon at ang aming panrehiyong presensya ay upang mapahusay ang aming katatagan at katatagan ng rehiyon.

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA NEWS REPORT: Si Kagalang-galang na Pinuno ng Islamikang Rebolsyon Ayatollah Sayyed Ali Khamenei, sinabi niya sa kaniyang talumpati sa okasyon ng pagdiriwang ng mga tao sa lungsod ng Qom laban sa rehimen ng Shah noong taong 1978 laban sa malupit na rehimen ng Shah, na kung saan ang pag- aalsa noon ay hindi nakakulong sa heograpiya ng Qom lamang ngunit ito ay kumalat na sa iba pang mga lungsod at ito ay naging isang napakalaking at malawak na pag-aalsa.

Ang Pinuno ng Rebolusyong Islam, si Ayatollah Sayed Ali Khamenei, ay binigyang diin din niya ang isang talumpati sa okasyon ng pag-aalsa ng mga tao sa Banal na Lungsod ng Qom laban sa inilibing na rehimen ng Shah, na kung saan ang paggunita bilang isang memorya ng pag-aalsa noong ika-8 ng Enero, sa taong 1978, ay dapat mapanatili habang nagpapataas ng pagmamalaki sa ating mga mahal na Yumaong kaluluwa.

Idinagdag ng Pinuno ng Rebolusyong Islam, na "Kinakailangan kumuha tayo ng inspirasyon mula sa memorya ng ika-19 ng Dey (buwan ng Persia) papatak sa Ika-walo ng Enero at ang paggunita nito."

Pinatunayan din ng pinuno ng Islamikang rebolusyon, na ang pag-aalsa ng mga tao sa banal na syudad ng Qom ay hindi limitado lamang sa Qom, ngunit ito ay kumalat sa iba pang mga lungsod at naging isang malawak na komprehensibong pag-aalsa.

Ang Pinuno ng Rebolusyong Islamiko, ay sumangguni sa insidente ng pampasaherong sasakyang panghimpapawid ng Ukraine at sinabi niya, na ang pangyayaring ito ay napakasakit sa mga opisyal, at kami naman mismo ay nakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima sa aming mga pagdarasal sa kanila.

Tinukoy din ng Pinuno ng Rebolusyong Islam, na ang memorya ng pagkamartir ni Shaheed Heneral Hajj Qassem Soleimani, si Hajj Abu Mahdi al-Mohandis at ang kanilang mga kasama, at sinabi niya: Si martir Lt. Gen. Soleimani at si Shaheed Komander Hajj. Abu Mahdi al-Muhandis, ay nag-ambag ng maraming mga paggalaw na kung saan nadagdagan ang paningin ng mga tao sa Landas na ito.

Idinagdag pa niya na ang kumander: Isang kadakilaan at ala-ala ni Martir Heneral Hajj Soleimani, ay sumaklaw sa mga pangalan ng marami sa mga landas ng pag-kakamartir.

Ang Pinuno ng Rebolusyong Islam, si Ayatollah Ali Khamenei, ay nagpatibay sa Axis ng Islamikang Resitansya ng Iran, ay kung saan ito ay nagtatamasa ng seguridad, katatagan, progreso, at kakayahang sampu-sampung beses kaysa sa Amerika, at ang kanyang kadakilaan ay panawagan sa mga bansa ng Kanluranin na wakasan ang lahat ng uri ng mga embargo sa Islamikang Republika.

Tungkol sa pagkakaroon ng Iran sa rehiyon at suporta nito para sa mga naaapi at naaapi sa rehiyon at sa buong mundo, binigyang diin ng Pinuno na Himagsikan ng Iran ay may mga obligasyon upang suportahan ang mga kaalyado nito sa rehiyon, at ang ating panrehiyong presensya ay upang mapahusay ang katatagan at katatagan sa ating rehiyon.

Tungkol naman sa kung ano ang iminungkahi ng mga kaaway laban sa Iran tungkol sa pakikipag-ayos, hinggil sa kakayahan ng militar at misayl ng Iran, sinabi ng Pinuno ng Himagsikan: Ang Islamikang Republika, ay may karapatang lumikha ng isang deterrent na estado upang maitaboy ang mga pag-atake ng kaaway, at ang aming tungkulin ay aming ipagtanggol pagdating sa aming bansa.

Tungkol naman sa pagbabalik ng Estados Unidos sa kasunduang nukleyar, binigyang diin dij ng Kanyang Katanyagan na hindi nagmamadali ang Iran upang ibalik ang Washington sa kasunduan, ngunit hinihiling muna namin ang pag-aalis ng pagbabawal sa karapatan na inagaw ng mga taong Iran, at sinabi niya na: Ang Islamikang Republika, ay walang pagpipilit para sa Amerika na upang bumalik sa kasunduang nukleyar, sa halip na ang mahalaga ay alisin at tanggalin ang embargo (sangsyon) na ipinataw sa mga tao ng Iran.

Ang kanyang Kabantugan, ay nagpahayag ng kanyang suporta para sa desisyon na ginamit ng parlyamento ng Iran na upang kanselahin ang embargo (sangsyon) sa Iran, at sinabi niya: Na ang desisyon ng parlyamento na kanselahin ng gobyerno at kanselahin din ang mga pangako pagdating sa usapang nukleyar, at kinakailangan base muna sa lohikal at tamang desisyon, dahil ang aming pangako ay hindi katulad ng pangako ng iba na walang kabuluhan, kaya kung susundin ng iba, upang kami ay babalik kami sa aming mga obligasyon.

Nanawagan din si Ayatollah Khamenei, para sa pangangailangan ng pag-asa sa mga batang puwersa at lakas ng mga kabataan sa pagapapatupad ng mga gawain sa bansa, na binabanggit pa niya na hindi ito nangangahulugan ng pagkansela ng papel at karanasan ng mga matatanda, at sinuri pa niya ang mga halimbawa nito ay mga gumawa ng tungkol dito, na kung saan binibigyang diin niya na ang mga nakamit na nukleyar, mga nakamit na pangangailangan na huwag muna panghinaan ng loob.

Binigyang diin din ni Imam Syed Ali Khamenei, na "ang pagpasok ng mga bakuna mula sa Britain at America sa Iran ay mahigpit niya ipinagbabawal, at ang mga bakuna na yan, sa Pransya naman ay iba ang dinatnan nito dahil libung-libo ng namamatay dahil lamang sa apekto at walang epektong bakuna na yan at wala rin kaming kumpiyansa sa kanila pagdating dito sa Vaccine."

...................................
328


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*