?>

Ang Algeria ay may Isang Milyong Mag-aaral ng Qurán: Ministro ng Awqaf

Ang Algeria ay may Isang Milyong Mag-aaral ng Qurán: Ministro ng Awqaf

Sinabi ng Ministro ng Awqaf at mga Panrelihiyong Abal ng Algeria na halos isang milyong mag-aaral ang tumatanggap ng turo ng Qurán sa bansa sa Hilagang Aprika.

Ayon sa ABNA News Agency, Ayon sa pahayagang El-Massa, sinabi ni Yusuf Bilmahdi na ang mga kurso sa Qurán ay inalok sa halos isang milyong mag-aaral.
 
Binigyang diin niya na ang pamahalaan ng Algeria ay sumisikap na isulong ang edukasyon ng Qurán sa bansa.
 
Ang pagtuturo ng Qurán ay ibinibigay kasama ang opisyal na edukasyon sa mga paaralan at mga unibersidad sa Algeria, ayon sa kanya.
 
Nagpahayag ang ministro ukol dito sa isang seremonyang idinaos upang pasinayaan ang isang paaralan ng Qurán sa paligid-lungsod na Dararia ng Algiers noong unang araw ng linggong ito.  Ang paaralan ay magkakaroon ng humigit kumulang na 450 na mag-aaral.
 
Isa pa ring paaralan para sa Qurán ang binuksan ng ministro sa paligid-lungsod para sa 500 na mag-aaral.
 
Binuksan rin ng ministro ng Awqaf ang Moskeng Salman Farsi at ang sentro nito sa pagturo ng Quran sa rehiyon ng Bab Ezzouar sa paligid-lungsod na Dar Elbeida ng Algiers.

.........
340


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*