?>

Ang Ika-22 na Pambansang Linggo ng Banal na Qur’an ay Nagsimula sa Algeria

Ang Ika-22 na Pambansang Linggo ng Banal na Qur’an ay Nagsimula sa Algeria

Ang ika-22 edisyon ng "Pambansang Linngo ng Banal na Qur’an" ng Algeria ay nagsimula sa bansa ng Hilagang Aprika sa isang seremonya sa lalawigan ng Mostaganem noong Oktubre 19.

Ayon sa ABNA News Agency, Ang mga aktibidad ng linggo ay inilunsad sa okasyon ng anibersaryo ng kaarawan ng Banal na Propeta (SKNK) at ika-66 na anibersaryo ng Rebolusyong Algeriano.

Nakaayos ang mga ito sa pagsunod ng mga protokolo ng kalusugan upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyong korona.

Ang pagsasaulo ng buong Qur’an na kasama ang mga alituntunin ng Tajwīd at pagpapaliwanag ng Surah Israa at Kahf, pagsasaulo ng buong Qur’an kasama ang pagbigkas sa Tajwīd at Tartīl para sa mga nakakasaulo na matatanda ng Qur’an at pagsasaulo ng buong Qur’an para sa mas batang mga kalahok ay mayroon na tatlong mga kategorya ng mga kumpetisyon ng Qur’an ng linggo.

Aabot ang dami sa 130 na lalaki at babae na mga magsasaulo ng Qur’an mula sa iba`t ibang bahagi ng bansa ang lumahok sa kompetisyon.

Sa pagsasalita sa seremonya ng pagbubukas ng kaganapan, sinabi ng Ministro ng mga Kapakanang Pangrelihiyon at Awqaf (mga Pagbibigay) ng Algeria, na si Youssef Belmahdi, na ang mga programa ng Linggo ng Qur’an ay naglalayong hikayatin ang mga mamamayan na umasa sa kanilang sariling mga kakayahan at umiwas sa mga negatibong mga pag-iisip.

Idinagdag pa niya na ang gobyerno ay nagbigay ng malaking pansin sa edukasyon sa Qur’an at sinusuportahan ang mga guro at mga magsasaulo ng Qur’an.

Ang Linggo ng Qur’an ay taunang ginanap ng kagawaran sa ilalim ng pangangasiwa ng pangulo ng Algeria.

Ang Algeria ay isang bansang Arabo sa Hilagang Aprika. Ang mga Muslim ay bumubuo ng siyamnapu't siyam na porsyento ng mamamayan ng bansa.

342/


Post your comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*